88 : Overthink

172 7 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"The deadline will be next week, so I hope walang male-late sa pag-submit. That would be all, class dismissed" tuluyan na ako lumabas ng room.

"Miss Krys" agad naman akong napalingon sa biglang tumawag

"Wala kang class?" I ask her sabay tumigil sa paglalakad

"Mamaya pa po, Miss Krys tulungan ko na po kayo" ani Nicoline kaya napangiti na lang ako at inabot sa kanya yung books na dala-dala ko

"Nag-inom ba kayo kagabi?" I ask

"Opo Miss, sumuka nga po si Ms. Stella at France, ang gulo namin kagabi" natatawang kwento ni Nicoline kaya napatawa na rin ako.

Kahapon kasi umuwi na ako ng diretso kaya naman hindi na ako nakasama sa kanila. Hindi ko mapigilan tumawa dahil sa mga ikinuwento ni Nicoline na nangyari kagabi

"Riley girl, our forever savior" agad naman nabaling ang tingin ko sa nasa harapan namin, hindi ko napigilan na ngumiti sa kanya ng malawak.

Binigyan nya ako ng tipid na ngiti.

"May practice ka ngayong morning?" Nicoline ask her, nakatigil na talaga kami dito sa hallway

"Yes, malapit na kasi kami mag-perform" sagot naman ni Riley

"Anong oras kayo nakauwi kagabi?" tanong ni Nicoline kaya naguguluhan ko syang tiningnan.

"11 pm na ata e" sagot ni Riley

"Sige, una na ako, baka ma-late ako" paalam ni Riley, napakunot naman ang noo ko kasi ni hindi nya man lang ako binati or kinausap.


Baka male-late lang talaga sya? Hindi naman nya nasabi na ganito kaaga practice nila ....... well, bakit nga ba nya iu-update sa akin?

"She went to the bar?" kunwaring tanong ko kay Nicoline, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad

"Sumunod lang po, Miss. Ewan ko din po kung bakit sumunod si Riley but salamat na lang kasi sila po iyong naghatid sa amin sa bahay ni Ms. Ae, doon po kami natulog

"What do you mean 'sila'? tsaka si Riley doon natulog?" I ask

"Hindi po dun natulog. Sila po ni Miss Tiffany ang nahirapan na ihatid kami sa bahay ni Ms. Ae, pero magkasabay din po silang umalis" saad ni Nicoline na nagpalunok sa akin



Bakit sila magkasama?


"Si Tiffany din ba nag-inom?" I ask

"Hindi po, Miss, sabay po silang dumating ni Riley tsaka sabay din po silang umalis. Hindi nyo po ba alam ang chismis?" nakangiting wika ni Nicoline kaya kinabahan ako

"Bakit anong meron?" kunwaring natatawa ko din na tanong

"Ang sabi po kasi ni Ms. Ae nag-dinner sila Rye and Miss Tiffany kagabi and ayon din po ata yung reason kung bakit naisipan nila kami na ihatid sa bahay ni Ms. Ae" pagku-kwento ni Nicoline.

"Sige na Nicoline, may work pa nga pala akong gagawin. Punta ka na sa class mo" wika ko at tuluyan ng pumasok sa office ko.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now