99 : Away

224 9 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ


Nagmamadali ako na lumabas sa classroom, katatapos lang kasi ng klase namin sa isang major subject ko. Kanina pa din akong nag-aabang na matapos na pagtalak ng prof ko.

Tatakbo pa lang sana ako sa may hallway ng may humawak ng braso ko kaya napatigil ako.

"Riley, nagmamadali yarn?" napanguso na lang ako sa sinabi ni France at bumuntong hininga

"San ka punta, Rye?" Louise ask

"Oo nga, tara na sa office ni Miss Ae, tatambay" nakangising saad ni Ynnah

"Bakit ba laging nasa Engineering Department kayo?" mataray na tanong ko sa kanila

"What's with the attitude, Gomez?" pilyang tanong ni Francelyn kaya inirapan ko sya

"Tss. Tara na nga, kainis" singhal ko.

Tahimik lang ako na nakikinig sa mga kwento nila France. Wala ako sa mood ngayon kaya naman iritable ako sa lahat ng tao.

"Bakit nakakunot yang noo mo, may problema ba?" agad akong napalingon sa biglang lumingkis sa braso ko

"Wala naman Ashen Louise" pagsisinungaling ko at nginitian sya.

"Tss. Uso mag-share Elle Riley" she said, I just pat her head and smiled at her.

"Ikaw, kamusta ka? May nababalitaan ako sayo ah" ngumisi ako sa kanya

"Ano na naman? Chismosa" inirapan nya ako kaya lalo akong natawa.

"France ikaw na kumatok" saad ni Ynnah na nasa likuran naming dalawa ni Louise. Umirap pa muna si France bago tuluyang kumatok sa pinto ng office ni Gayle.

"Come in" rinig namin na wika sa loob kaya walang habas na pumasok sa loob.

"What's up mga magagandang propesora!" duet ni Ynnah at France kaya napailing na lang kami ni Louise.

Napatingin agad ako sa babae na kagabi ko pa gustong makausap. I bit my lower lip atsaka dahan dahan na umupo sa tabi nya.

"Good morning baby" bulong ko sa kanya pero ni hindi man lang nya ako nilingon kaya mas lalo akong kinabahan.

Last night, after ko mabasa iyong mga text messages nya kaagad ako nag-reply atsaka nag-sorry, I even tried to call her pero patay ata phone nya.

Kagabi din, dapat pupuntahan ko na sya agad sa unit nya para makapag-sorry, I know she's hurt and I don't want her to feel that way. But Shannah and Angelo stop me to leave kasi marami pa rin kaming gagawin last night.

Nakauwi na ako sa unit ko ng mga 3 am, buong magdamag ako lutang dahil kay Shobe, hindi ko na rin masyadong nilapitan si Miss Tiffany kasi pareho din naman kaming busy. I contacted her right after na nasa unit ako, but patay pa rin phone nya. Kaya hindi ako nakatulog, balak ko pagkapasok ko diretso na ako sa office nya pero hindi iyon nangyari dahil nga nalate na ako gumising at late pa ako sa first subject ko, I know she'll get more mad if I skip my class and right now, hindi man lang nya ako pinapasadahan ng tingin.

"Anyways, anong eksena naman iyong kagabi Tiffany Chrysler and Elle Riley? Pinagkaguluhan sa instagram ah" natatawang hayag ni Gayle.

Tangina, hindi pa nga kami ayos, gagatungan pa.

"Huwag kang issue Gayle" sagot ko naman ramdam ko kasi ang pag 'tss' ng katabi ko.

"We just accidentally bumped into each other sa party, she was with Shannah" nakangiting wika ni Miss Tiffany

"What about the caption po Miss, ship" pang-aasar pa ni France kaya I mentally rolled my eyes, kakalbuhin kita Francelyn.

"It's nothing" sagot ni Miss Tiffany

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now