6 : A Flirt

402 13 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO


"Okay, class dismissed" pamamaalam ko sa mga students ko. First period ko kasi ang mga 2nd year.

Lumabas na ako ng room tsaka naglakad patungo sa office ko. May susunod pa akong klase pero may 30 minutes pa naman ako na vacant.

Habang binabagtas ko ang hallway, medyo nagulat pa ako kasi biglang sumabay sa akin si Ae. Akala ko naman kung sino.

"Nastre-stress ako sa mga 3rd year, mga pasaway na agad, 1st semester pa lang" reklamo ni Aerielle na ikinatawa ko na lang

"Wala bang pasaway sa mga handle mo?" usisa nya pa sa akin

"So far so good naman" sagot ko sa kanya. She heave a sigh, napatawa na lang ako.

"Gayleeeee" nakuha ng atensyon namin ang biglang sumigaw sa hallway, may mga klase pa kaya kami-kami lang ang nandito.

"Speaking of pasaway, here comes my baby girl" malanding saad ni Aerielle. Napakunot naman ang noo ko, the who?

Napatingin naman ako sa unahan namin. Bumungad sa akin ang mga magkakaibigan, apat lang sila ngayon, si Riley, France, Nicoline tsaka Gabriel.

"Hoy Riley, bungaga mo, feeling close talaga kay Ms. Ae" suway naman ni France

Hindi ko maiwasan na tumingin kay Riley, halos 3 linggo na nung nagsimula ang pasukan, pero hindi ko pa rin maiwasan magtaka kung bakit sobrang close ni Ae atsaka ni Riley. Hindi lang close, everytime ata na magkikita ang dalawa, they keep on flirting.

She's always smiley towards Aerielle and her friends, pansin ko na may pagkatahimik sya, estudyante ko din kasi ang isang to, pero kapag naman sa sa labas, madaldal sya around her friends.

Hindi ko maikakailang naagaw nya ang atensyon ko, pamula nung nangyari ung incident sa cafeteria, 'yung aksidente syang nabuhusan ni Ae ng coffee pamula nung nalaman ko na magiging estudyante ko sya, magaling sya, matalino pero may pagka tahimik talaga and medyo mahiyain, kung hindi kasi tatawagin sa recitation, hindi sasagot pero once she answer and solve the problem, she's really cool. Kaya hindi ko maiwasan na magtaka kasi kabaligtaran ang nakikita ko sa kanya kapag nasa labas sya, lalo na kapag kasama nya mga kaibigan nya.... at si Ae.

Tumigil sila sa harapan namin "Hoy Nicoline, anong ginagawa mo dito, ibang department ka ah" napangiwi na lang ako kay Aerielle.

Aaminin ko na medyo napalapit na kaming apat na professor sa magkakaibigan na'to kaya naman ganito na talaga sila magpalitan ng salita lalo na kapag kami-kami lang.

"Sungit mo naman Miss, meron ka ba, hindi ba pwedeng dinalaw ko ang mga pinakamamahal kong kaibigan" madamdaming wika ni Nicoline.

Nakita ko naman ang pag make face nung tatlo kaya hindi ko maiwasang mapatawa.

"Gayle, libre mo kong lunch, wala akong kasabay mamaya, may kanya kanyang date ang mga fake friends ko" sabi ni Riley. Isa pa sa pinagtataka ko, bakit Gayle tawag nya kay Aerielle, kami nga nila Stella halos isumpa nya kapag tinatawag namin sya sa second name nya tapos kapag si Riley, okay lang, at ang siste, parang kilig na kilig pa.

"Hoy Elle baby, ang lakas mo naman, pero dahil marupok ako, sige sabay ka samin, kasama ko nga lang sila Tiffany" sagot naman ni Ae

"Hala, hala, Miss Ae napabaliko nyo na ba si Riley or kayo ang bumaliko, ang kuripot mo kapag kami tapos kapag kay Riley, ganon ganon lang?" kunwaring nasasaktan na saad ni France

"Syempre, baby ko si Elle e" napataas ang kilay ko tapos nagtawanan lang si Riley at Ae, so weird. Pero wag mo sabihing trip talaga ni Aerielle ang estudyante namin? Pero as far as I know naman, hindi handle ni Aerielle ang block nila Riley, kami lang ni Tiffany, pero si Ae estudyante sila France.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now