60 : Unexpected

220 9 4
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

Nagmamadali ako na pumasok sa AeU. Shemay late na naman ako. Hindi ko na alam ang itsura ko basta alam kong sabog na ako, marami na rin akong nababangga na kapwa ko estudyante pero tanging sorry at pagtakbo na lang talaga ang kaya kong gawin.

Nakasarado na ang room namin ng makadating ako, a'ight 15 minutes na akong late shemay. Napahinga ako nang malalim bago kumatok.

Agad naman nagbukas iyon at si Ms. Krys ang bumungad. Shit, sya nga pala ang first subject namin today.

"You're late....again" she commented and rolled her eyes on me

"I'm really sorry Miss" I said, bumuntong hininga sya at tuluyan na akong pinapasok

Nasa kalagitnaan pala sila ng discussion, god. Lumipas ang halos 2 oras na schedule namin kay Miss Krys, right after nya mag-discuss may pinasagutan sya sa amin na 10 items activity.

Grabe kahit wala akong matinong tulog this week, mabuti na nagfa-function pa rin ang utak ko. Mabilis naman ako natapos sa activity, pinapasa na din sa amin ito.

Gosh, may dalawa pa akong klase sa hapon pero ramdam na ramdam ko na any minute.

"See you on next meeting, Class dimissed. Gomez, follow me" napatigil ako sa sinabi ni Ms. Krys, yawa patay.
Tahimik ko lang na sinusundan si Ms. Krys hanggang sa makarating na kami ng office nya. Umupo sya sa swivel chair at tiningnan ako nang masama.

"Why are you always late?" tanong nya. Actually first time ko sa kanya ma-late, I mean sa subject nya but ngayon kasing buong linggo, lagi ako late, sa mga oras na 'yun lagi ko syang naabutan na prenteng naglalakad sa hallway samantalang ako ay halos magkanda-dapa na sa pagtakbo.

"I'm sorry Miss, it will never happen again" ayun na lang ang sinagot ko at tumungo. Kahit naman sabihin na we're in the same circle of friends, she's still a professor and gets ko naman yon. Kinakabahan na nga ako right now, geez.

"Check-an mo tong activity ng block mo, that's your punishment for being 15 minutes late" hayag nya, ngumiti na lang ako at agad na tumabi sa kanya.

Pigil na pigil ko iyong paghikab ko. Paano ba naman kasi galing pa akong Japan kanina, umattend kami ng meeting ni Shannah, kahapon kami ng tanghali umalis buti nga wala akong class kahapon ng hapon. Kanina lang din kami nakauwi at wala pa talaga akong tulog, the reason why I was late ay pagkauwi namin, diretso na agad akong kumpanya para asikasuhin yung dinayo namin sa Japan tapos traffic pa.

"Why you seems so tired these days?" Miss Krys suddenly ask habang nagche-check ako at pilit nilalabanan ang antok.

Halos 1 week na ang nakakalipas nung nag skate kami at kung ano ano pa ang ginawa namin. After nun, naging busy talaga ako sa kumpanya, hindi na nga ako natutulog sa condo ko lagi na lang akong nasa office ko sa Oh Fools. Well, ang pinakamahaba ko ng tulog ngayong week ay 3 oras, pagod na pagod na talaga ako.

Sabay ba naman na maligalig ang kumpanya ko tsaka acad, what's pahinga ba?

"Do I?" pabalik na tanong ko sa kanya

"Yeah, they are worried about you" she's pertaining to our squad plus the four of them. Kapag kasi nagkikita kami this week, tanging lunch lang minsan wala pa ako tapos kapag kasama naman nila ako maunti lang akong kumain and alam kong pansin nila na lagi akong inaantok.

"Sila lang Miss? Ang sama nyo talaga sa akin" pabirong turan ko sa kanya, gusto ko lang talaga ilihis yung topic.

"Stop doing that na, sleep" napatingin tuloy ako sa kanya, she's focus on her laptop though.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora