24 : Squad + 4

261 10 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ


"HOY, RILEY!!!! Iabot mo nga 'yang bond paper" utos ni Ynnah

Tsk.

"Eto na ho, MADUMB, kala mo naman talaga, makapag-utos" reklamo ko sa kanya.

Abala kaming lahat sa pagre-review para sa nalalapit na midterms. Nandito kami sa condo unit ko, mistulang nagkaroon nga ng bagyo sa loob.

Paano ba naman, may mga sofa naman tsaka table pero 'yung iba sa mga kaibigan ko nasa floor, nagkalat din ang mga papel.

Ako ay nasa kabilang side, I have desk kasi, kaharap ko laptop tsaka sandamakmak na libro, hawak ko din phone ko kasi nagtatanong ako sa ibang blockmates ko kapag may hindi ako maintindihan.

Si Ynnah at Louise, malapit sila sa akin, sa long table sila, malapit sila sa may printer, 'yung iba ko kasing kaibigan printed ang mga reviewers. Ako kasi sanay na handwritten.

Si Gabriel, Russel at Jeremiah nasa center table, nakaupo din sa floor pero may inuupuan naman sila na unan. Kalat kalat din ang mga ayos.

Lahat kami nakapambahay lang, sa tagal na naman naming magkakaibigan, alam na naman namin 'yung mga differences sa isa't isa. Kaming mga girls, sanay na makita sila Russel na nakahubad pag minsang magkakasama kami sa isang place.

Minsan nakakainggit maging lalaki, kapag mabanas, pwedeng-pwede sila maghubad. Samantalang kapag babae, maraming mangja-judge kasi makikita 'yung boobs and worst mababastos kapag nakita na hubad yung taas na part ng body. Ano bang pinagkaiba ng dibdib ng lalaki sa babae? May nipple naman pareho. Tsk. Hamak lang na malaki 'yung sa girls pero kung ipagco-compare mo parehas lang naman talaga.

Si J.F tsaka si Nicoline nasa long couch, magkaharap silang dalawa pero ang namamagitan sa kanila ay mga papeles at mga libro.

Sila Allison atsaka France nga umabot na sa malapit sa pintuan ng condo unit ko, nasa lapag din sila. Si Allison nakahilata na habang nagsasaulo. Kahapon pa kami magkakasama mag-review pero hindi naman sila natulog dito, ayaw nila. It's Monday today, dahil midterms ang ganap this week. Pwede naman kami na hindi pumunta sa university, kaya eto kami ngayon. Kahapon, Sunday ng umaga nagulat na lang ako dahil kinakalampag ng mga fake friends ko 'yung pinto ng unit ko, puro nakapambahay tapos kung makabangga sa akin akala mo sa kanila yung place na'to.

Halos 9 pm na sila umuwi kagabi, sabi ko dito na matulog pero ayaw daw nila. Edi shing. After what happened sa unit ni Ms. Stella last Friday night, kinabukasan namahinga lang ako buong hapon. Pakiramdam ko kasi nahigop lahat 'yung energy ko.

It's a good thing na we fixed things, ayaw ko naman magkasira-sira kaming lahat. Kahit na chismosa sila France, I'm glad na they didn't bother to tell it to other friends. Mas magaan kasi ang puso ko kapag alam kong okay ako sa lahat ng tao sa paligid ko, naging parte na din sila ng Squad namin and alam kong ganun din ang nararamdaman nila so I choose to forgive na lang.

Pagkatapos ko maihatid si Ms. Krys sa unit nya, umuwi na rin ako. Tinawagan ako ni Ms. Tiffany, she said if possible ba na magmeet up kami kinabukasan, I agreed. We actually never talk, ayaw ko lang talaga na makarinig ng kung anong masasamang salita na ibinabato ng bawat isa. We are all friends with each other, I will still choose to keep them together kaysa bigla na lang kami mabuwag.

Nakipagkita ako nung Saturday kay Miss Tiffany, like what I've said sa kanya nung gabi na 'yon. I understand and I'm okay. I told her na she should not be awkward when I'm around, niyaya ko pa nga sa sa mall to play arcade games feeling ko kasi ayun yung way para maging comfortable na ulit kami sa isa't isa. Kita ko naman sa mukha ni Ms. Tiffany na nahihiya sya sa akin atsaka she's really sorry.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now