5 : Coffee

377 15 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

[Instagram]

NotUrRye uploaded 3 pictures.

NotUrRye: FriYAY.

I decided na mag upload sa instagram account ko. Naalala ko na sabi ko sa sarili ko kapag nakatungtong ako sa AeU, ife-flex ko talaga. Riley nyo clout chaser.

Ang unang picture ko na inupload ay during the general assembly nung Monday, nagpapicture ako kay Ynnah sa harap ng Engineering Department, it was a full body shot na stolen, ang happy ko nga doon e. Pangalawang picture ay mirror selfie sa comfort room ng CoE, infairness kasi malinis at mabango ang mga C.R kaya naman naisipan ko na magpicture doon, and last kong picture ay ngayon, mirror shot din sya, revealing my pangmalakasan na outfit. Hindi pa naman required isuot 'yung department shirt kahit Friday na kasi next month pa daw namin dapat isuot, magkakaroon ata ng bagong design ang shirt kaya ganon.

I'm wearing crop top again na super hapit sa katawan ko, may button din sa dibdib, it is actually a polo crop top shirt, nakabukas ang dalawang butones, tapos high-waisted ripped jeans, kaya naman exposed na exposed sa social media account ko 'yung abs, neck tsaka tuhod ko. Syempre kapag nasa university na ibubutones ko ung isa pa, thirst trap posting kasi ehem.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko, I'm sure pinutakte na naman nila comment section sa post ko. 

_itsfranceraven: hottie bestfriend, miss you where are you?
ynnasher_lo: albor nung damit sa 3rd picture
hialli: KhaMustA kA Dyan Iha?
nicolinekier: beh, gising na sya
ashenlu_: oh god, please close the second button, luv ur necklace tho
shanegabby: ang ganda mo dyan, dyan ka na lang
noturje: crush ako neto nung G7
itsaivheruss: grabe ka na
prettyJ.F: mas maganda pa rin ako

Napatawa na lang ako sa mga comment ng mga friends ko. Well, ako lang to guys. Kanina pa rin chat ng chat ni France sa'kin tapos hindi ko nirereplyan, may gana pa akong mag-upload sa instagram. 

Actually, pamula noong Tuesday, sa library ako natambay, wala namang sumipot na mga professor, ayoko rin naman maubos na naman ang social battery life ko kaya ganon. Ayaw kong matungtong nila ang comfort place ko sa university. Taray first week pa lang.

Francelyn Mae Raven
Active Now

7:00 a.m

BABE!

BABEEEE!!!

HUY!

NOTICE ME!!!

Tama na pagpapaganda.

Wow. Nakapag-upload sa
instagram pero hindi
marunong magreply.

Natawa na lang ako sa kanya. Replyan ko na nga kawawa eh.

7:30 a.m

Good morning din sayo!

Maya-maya ako punta sa
university.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now