69 : Strangers

166 7 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO


"Kelan ulit enrollment mga Miss Ma'am?" tanong ni Allison

"2nd to the last week of this month" sagot ni Ae

"Hoy nasan ba si Riley? shit nakakamiss" napatingin ako dahil sa sinabi ni Nicoline. Nandito sila ngayon sa AeU, ginagambala nila kaming 4. Well, ang nandito lang ay si Allison, France, Ynnah, Nicoline at Gabriel tapos kaming apat, nasa office kami ni Stella.

"Hindi ba nasa province?" patanong na saad ni Ae

"Di mo po sure" rinig kong bulong ni France, humagikhik si Ynnah at nakita ko ang pagngisi ni Tiffany

Ayan na naman silang tatlo, may alam ba sila na hindi namin dapat malaman tungkol kay Riley?

"Anyways, kung nagustuhan mo daw ba Gab yung gift ni Riley?" tanong ni France

"Oo naman syempre, paano sayo iniabot?" tanong ni Gab

"Ow, that? Pina-deliver yon sa bahay namin, si Ate Shannah ata nag-asikaso, busy ata ang ferson" natatawang saad ni France

"So magkasama si Riley at yung Shannah girl?" tanong ni Stella

"Opo mga Miss Ma'am" sagot ni Ynnah

"Bakit?" I ask

Napansin ko naman na natigilan si France atsaka si Ynnah sa tinanong ko.

Tumikhim si France "Well, lagi naman po silang magkasama tuwing bakasyon" sagot ni France

"Saan po pala tayo kakain later?" pag-iiba nya pa ng topic

Ngayon kasi, sama-sama kaming magla-lunch wala yung iba kasi may sari-sariling lakad, after namin mag-lunch sila gagala pa but ako uuwi na at mamahinga. Sasamahan ko pa din kasi si Mommy sa hospital for her monthly check up.

"Kayo bahala, libre nyo naman" natatawang hayag ni Ae

"Miss sama kayo samin mag-bar mamayang gabi?" biglang yakag ni Nicoline

"Go ako dyan" grabe talaga si Ae kapag inuman

"Count me in din" natatawnag hayag ji Stella

"Sasamahan ko Mommy ko later, so I will pass on this one muna" I said

"I can't I'm sorry din, I have meeting pa" sabi ni Tiffany

"Miss gaano po kahirap maging CEO?" pagtatanong bigla ni Gab

"Hectic schedule mo and you have to deal with different personalities. Try to ask your friend, she surely knew" sagot naman ni Tiffany natatawa naman sya na binanggit ang panghuli nyang sinambit, naguluhan naman ako doon

"Hala? Sinong friends Miss?" takang tanong ni Allison

"Nevermind, it's nothing" nakangising hayag ni Tiffany


"Ang sarap talaga ng pagkain dito kahit sobrang mahal" komento ni France, nandito na kasi kami sa isang restaurant

"Fun fact mga Miss Ma'am eto po iyong fave restau naming magkakaibigan" masayang sambit ni Nicoline

"Hell yeah, it's really good" komento ni Ae.

I couldn't agree more, sobrang sarap talaga ng mga putahe.

"Saan kayo after this?" I ask habang nakain pa rin

"Prolly sa Mall" sagot ni Stella, napatango na lang ako

"Hey France, can I have Riley's number? Gosh ang dami kong chika doon tungkol kay Yvonne, ngayon naman sya MIA" napalunok ako dahil sa sinabi ni Ae

"Sure Ms. Ae, I am not sure if sasagot yon, kapag si Ate Shannah ang sumagot ng phone nya, run Ms. Ae" natatawang hayag ni France

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now