87 : Jelly Ace

188 6 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"Shobe, sasama ka ba kila France later?" napatigil naman ako sa pagche-check ng mga papers at nag-isip.

"I don't know pa e, ikaw ba?" I ask without looking at her.

"Hmm. Hindi, we have practice later" she said kaya napatango na lang ako kahit feeling ko hindi naman nya kita kase busy din sya sa pagla-laptop.

"France and Gayle ask me to have lunch with them later" she said

"Okay" I said

"Anong okay?" she ask kaya naman napatingin na ako sa direksyon nya, nakatingin na din sya sa akin at nakakunot ang ulo

"I mean, edi wala kang kasabay mamaya, I'm asking if okay lang na doon ako sumabay sa kanila?" paglilinaw nya, napalunok naman ako.

Technically, she can do whatever she want without consulting me pero siguro dahil sa nangyari kahapon kaya ganyan. Hindi ko maiwasan na ma-guilty, totoo naman kasi na hindi nya responsibilidad ang feelings ko, kahit na hindi nya alam ang nararamdaman ko sa kanya, I feel like she's putting me first kaysa sa sarili nyang kagustuhan.

I admit I was jealous yesterday, sobrang close nila ni Tiffany kahapon sa hallway, Tiffany's even pinching her cheeks and then parang may sarili silang mundo and I also found out na magkasama lang pala sila nung time na yon, idagdag pa na lagi pa silang magkakasama dahil may practice na naman sya.

"It's your choice, Elle Riley, I'm okay with that, sasabay na lang ako kay Stella" saad ko

"You sure? Pwede naman na sumabay ka rin sa amin" she suggested

"Hindi na, baka may private stuff kayong pag-uusapan kaya ka nila ininvite" I said

"Are you really sure you're okay? Para ka kasing maraming iniisip kanina pa" dagdag nya pa kaya napatingin ulit ako sa kanya

"Don't overthink. Stress lang sa work, you know marami akong ginagawa" pag-aassure ko sa kanya

"Hmmkay, if wala kang kasabay mamaya kapag kumain ka, just message me, kakain na lang ulit ako para kasabay mo pa rin ako" hindi ko mapigilan na ngumiti nang malawak dahil sa sinabi nya.

"A'ight, thank you Elle Riley. Hindi ko na need mag-overthink, sabi mo yan ha" paglilinaw ko

"Syempre naman, ako lang to Shobe, hindi lang ganda ang ambag sa lipunan, kabaitan din" napairap na lang ako dahil sa kayabangan na naman nya

"May dala kang towel and pamalit?" pag-uusisa ko

"Hmmm. Yup, why?" she ask

"Water?" I ask at tumingin sa kanya, nakita ko naman na napakamot sya ng ulo atsaka ngumiti sa akin

"Syempre wala" I conclude

"Pwede naman ako bumili sa cafeteria mamaya" pagpapalusot nya kaya napatawa na lang ako

"No need. I'm gonna watch you later then I have extra tumbler here, dalhin ko na lang sayo later" I said

"Really?" nakangiti nyang wika kaya napangiti na rin ako.

Tangina talagang mga ngiti 'yan.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now