82 : Performance

174 8 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO


"Gayle naman tabi dyan" rinig kong singhal ni Riley kay Ae

"Hoy tumigil nga kayong dalawa kanina pa kayo, hahambalusin ko na kayo" naiinis na wika ni Stella kaya napatawa ako

"Francelyn tulungan mo nga ako" naiinis na singhal ni Riley

"Riley shut up ang ligalig mo" rinig ko naman na sagot ni France


"Tangina naman" mura ni Riley


"Language, Elle Riley" seryosong usal ko at tumingin na sa direksyon nilang dalawa ni Ae, tumayo na din ako para patigilin sila, kanina pa kasi.


"Ano ba 'yan?" kunwaring naiinis kong singhal, agad naman na tumayo si Riley sa couch at tumabi sa akin

"Si Gayle kasi ayaw tumabi e doon ang pwesto ko, nandoon laptop ko oh" napairap na lang ako, jusko, ayun lang naman pala ang pinag-aawayan

"Stop being childish you two, ikaw Elle Riley kunin mo ang laptop mo doon ka sa tabi ko" I bit my inside cheeks pagkasabi ko nun at kaagad na pumunta ulit ng swivel chair ko.


"Huwag ka sanang sagutin ni Yvonne, ay hindi ka nga pala nanliligaw" rinig ko pang asar ni Riley bago tuluyang tumabi sa akin

"Okay lang torpe kaysa manhid" rebut naman ni Ae atsaka narinig ko ang tawanan ng mga kasama namin

"Lagi nyo akong sinasabihan na manhid, ano ba yon?" tila nawawalang pasensya na turan ni Riley kaya miski ako napailing na lang, mas lalo lang nagtawanan sila Ae.


2 weeks na ang nakakalipas pamula noong birthday nya, I actually wanted to know bakit ayaw hindi sya nagce-celebrate, nagulat pa ako kasi she really forgot that day. She's really interesting.

Napairap na lang ako dahil sobrang manhid nya talaga nung araw na yon, I did say I love you to her indirectly at halos isupalpal ko na sa mukha nya na nagseselos ako kay Shannah dahil gusto ko sya, pero ang siste hindi pa rin gets, ang talino nga, jusko pakigalaw na lang Elle Riley ng baso.

Hindi ko maitatanggi na kinilig ako nung time na sinabi nya na huwag na akong magstep back and she really wanted us to be close.....nah...closer with each other, idagdag pa yung time na all along she's wearing the butterfly necklace and she hugs me that night. Gosh.


"Wala ka bang practice Rye, mamaya ng gabi ang performance nyo ah" pambabasag ni Ynnah sa katahimikan. Nandito kami sa office ko, ako, Riley, Ae, Stella, France and Ynnah lang ang nandito, yung iba may klase habang si Tiffany ay wala dahil busy sya.


"Pinagpahinga na muna kami ni Ms. Tiffany kasi puspusan naman iyong practice namin kahapon, pinapunta lang kami today para isukat iyong magiging damit namin mamaya" Riley said habang sinasarado iyong laptop

"Kinakabahan ka ba?" France ask


"Hindi pa, baka mamaya na" natatawang sagot ni Riley





"Shobe, manonood ka?" agad naman na kumalabog ang dibdib ko dahil sa pagbulong nya sa akin



After din ng birthday nya, I don't know pero she's always calling me that and wag na tayong magpaka-plastic gusto ko din naman. Isa pa, sobrang close talaga namin after we fixed our thing minus na lang na lagi nya akong ipinagtutulakan kay Nicoline.


Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now