20 : Foundation Day - II

237 11 0
                                    

DISTANCE

ELLE RILEY GOMEZ

4th day na ng Foundation Day. It's Thursday. Naisipan kong pumasok na.
Masama ang panahon ngayon, parang nakikisabay sa nararamdaman ko.

After what happened that day, sa bahay ako dumiretso. My own house. Actually 5 yung pwede kong masabi na bahay.

First, 'yung condo unit ko, that's my safe haven. Second, bahay ng parents ko sa province, actually that's our family house na dalawang tao ko ng hindi nauuwian. Third, bahay ni ate, before magstart ng college life, nakitulog ako doon. Fourth, my brother's house, kasama nya doon pamilya nya tsaka yung grandmother ko sa mother side.

And fifth, yung bahay ko. My dream house. Katas sya ng '04-Oh Fools Inc. Napunta lang ako dun kapag problemado ako, katulad nung araw na 'yon. No one knows that place. Kahit sila France, kahit sila Shannah at Angelo, kahit na sila Ate at Kuya. Ako lang ang nakakaalam na may pinatayo na akong bahay.

Hindi ako nagbukas ng cellphone sa dalawang araw, I really need some space. Bago pa naman ako tuluyang umalis sa booth, nagpaalam ako kay Erin na baka hindi ako makapunta ng university sa mga susunod na araw.

Wala akong ginawa sa loob ng dalawang araw, nakahiga lang ako sa kama ko, parang lifeless na ako nung time na yun.

Hindi ko rin alam kung saan ako nakakuha ng lakad para maligo at maghanda papuntang university.

I'm wearing my favorite black hoodie, may design lang ito na letter M sa right side then parang japanese characters sa likod. Hindi ata natakbo ang isang linggo sa akin na hindi ko ito nasusuot. This is my comfort hoodie ko kasi, literal. Sakto naman na naulan.

I didn't cry. Putangina, robot na ata ako. After ko pahidan yung luha na biglang bumagsak sa mata ko nung oras na yun, hindi na nasundan.

My eyes didn't cry but my heart does...

Nilugay ko ang buhok ko pero may scrunchie ako sa kamay, naka-jeans lang din ako atsaka black na shoes. Ang tanging bitbit ko lang ay yung sling bag ko, wallet, umbrella and phone lang ang laman nun.

Nagtungo ako sa booth are namin, sa likod ako dumaan, dito kasi yung tagong parte, hindi ka makikita ng mga kasama mo. Pagpasok ko nandon si Crizel

"Riley, andito ka pala, bakit ngayon ka lang? Ang dami sayong naghahanap?" natatawa nyang sambit

"Uhm, Crizel pwede bang samahan kita sa gawain mo dito?" I pleadingly say.

She just nodded, ang ginagawa kasi dito ay nagta-tally ng kita namin, may small hole din dito, dun namin binibigay yung parang entrance pass nila.

"Lunch na tayo, nag-message na sa akin si Erin, tara na" pag-aaya ni Crizel. I bit my lower lip.

I know she's here. Hindi pa ata ako ready na makausap sya.

"Crizel, paalis din kasi ako, kasabay ko sila France na kumain, balik na lang ako sa booth later. Pwedeng favor?" mukhang nakakahalata naman si Crizel na parang may iniiwasan ako

"Yeah, sure"

"Pwede bang dito muna ulit ako after lunch, hindi naman siguro magbabago na ikaw yung toka dito"

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now