39 : Bump

211 10 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

Sa lumipas na mga linggo, nananatili pa rin na ganon ang set-up ko. Kung hindi si Kyla ang kasama ko ...... wala akong kasama.

Pamula nung nangyari 'yon sa office ni Ms. Stella, si Kyla na lagi ang naging kasama ko, araw-araw at oras-oras.

Si Ynnah, naging busy na with her major subject, pero lagi pa rin kami nag-uusap sa text. Hanggang ngayon deactivated pa rin ang social media accounts ko.

Si Kyla hindi sya nagtanong nung araw na 'yon, lagi na lang rin kaming nakain sa labas. Lagi lang ako sa room ko atsaka sa kotse ko.

Ms. Tiffany and I never talk again after ng palitan ng text messages, hindi na rin ako napunta sa library dahil alam kong madalas sya doon. Kahit si Kuya Hendrix, iniiwasan ko makasalubong, patuloy pa rin sya manligaw kay Ms. Krys pero as much as possible hindi ko hinahayaan ang sarili ko na mapalapit sa apat na propesora.

Wala na rin akong balita sa mga kaibigan ko, ang tagal na ng huli naming pagpapapansinan, hanggang sa nasanay na ako ngayon. Maybe I really lost my friend becuase of that decision, but never ..... kong pinagsisihan yon.

Si Kyla na ang laging andyan para sa akin, lagi nya akong ginugulo at lagi din syang nagpupumilit na lagi akong kadikit, minsan na din syang mapagkamalan na engineering student, lagi ba namang nakasunod sa akin.

Kasalukuyan akong papunta sa room ko, ang dami ko kasing dalang books. This month is really hard from me. Ang dami kong pinoproblema, my personal issues, conflict with friends, acads and mas nanghingi pa ako ng trabaho sa company.

Aaminin ko na sobra akong binabangungot, hirap makatulog at madalas wala akong kain. Kung hindi lang dahil kasama ko si Kyla, hindi pa ako makakain, kung hindi pa makikitulog sa unit ko si Kyla. Hindi ako makakatulog.

Lagi akong binabalikan ng mga salita ni France at Gayle. It still has a huge impact to me until this day. It hunts me. Kahit na hindi naman talaga ako ang naging kabit because of their remarks towards me, kahit sarili ko pinandidirihan ko na din.

But it's much better if ako ang nakakaexperience nito. I know Ynnah is getting better, nakikita ko sya na busy na ulit sa acads nya and she's happy when she's with the Squad. She deserves that happiness, ayon lang ang pinanghahawakan ko everytime na nanghihina ako, my sacrifice didn't go to waste because I saw their happiness.

Sa '04, 10 pm to 4 am ako nagshi-shift kaya lagi akong pinagsasabihan ni Kyla. Mukha na talaga akong patay.

Lumipad na naman ang utak ko nang biglang may nabangga ako sa hallway, ramdam ko na nahulog ang mga books ko.

"Sorry Miss" sambit ng nakabanggaan ko, hindi na ako sumagot at pinulot ang mga tumilapon na gamit ko, kita ko naman na tinutulungan nya ako.

Pagkaangat ng mata ko, parehas nanlaki ang mata naming dalawa.



"RILEY?" he ask


I composed myself "Jax" I uttered.



Lord, pinaglalaruan mo ba ako? Trip mo ba ako?



"Here, sorry for bumping you" he said while handing me my things na nahulog.

"No, it's alright. Thanks" I answered.
Balak ko na sanang umalis ng magsalita sya



"You're studying here? Since when?" he ask.


"Uhm, since forever?" pabiro kong sagot


"Woah, really. I thought sa iba kang university napasok, lagi ko nakikita sila France sa cafeteria, how come na hindi ka nila kasama?" he ask, napalunok ako, nangangapa ng isasagot, I just shrugged and smiled at him.


Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now