41 : Again

215 10 1
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

"Russ, slow down, walang aagaw sayo nyan" natatawa kong sambit. Hindi ko pa rin alam kung bakit nya ako itinext na kailangan nya ako, tatanungin ko sana sya kung anong nangyari pero kumalam ang tyan nya, agad ko syang hinila at nandito kami sa fast food chain, gabi na rin.

Nakapag-text na rin ako kila Kyla at Jax na I'm okay ang dinahilan ko na lang na kasama ko ang mga kapatid ko.

Pinagmasdan ko si Russel, hindi na ako kumain, kasi sa dami ng inorder ko, parang kulang pa sa kanya.

"Russ, slow down, pwede pa akong mag-order. What do you want ba?" I ask him

"I-I'm s-still h-hungry. P-pede p-pa b-bang u-umorder?" nahihiya nyang wika. I smiled at him at nagpaalam ng o-order ako.

"Miss, 2 chicken with rice, 2 spaghetti, 2 burgers and 3 iced tea please" order ko, sinabi naman nung nasa counter na ise-serve na lang.

Kumuha ako ng tissue at pinahidan ang gilid ng bibig ni Russel na abala pa rin sa pagkain.

Lahat ng inorder ko kanina, sya ulit ang naka-ubos ang tanging natira lang sa akin ay yung isang glass ng iced tea.

It's my first time seeing someone na parang ngayon lang kumain.

"Are you full?" I ask him

"Yes, thank you so much, Riley" he answered. Nanatili lang kami g tahimik at mag gagabi na.

"Let's go Russel, ihatid na kita sa inyo" wala na syang naggawa at sumunod sa akin. Wala kasi syang kotse, at ayoko namang mag-commute sya lalo na ngayon na mukhang problemado talaga.

Napakunot ang noo ko ng makita ko na nakalabas ang lahat ng gamit nila sa bahay nila.

"Russ, lilipat ba kayo?" napakamot sya ng noo atsaka napatungo. Bumaba na ako ng kotse, nakita ko ang nakababata nyang kapatid na natutulog sa labas ng bahay nila, may banig.

"Kuya Russel, Ate Riley" bati ni Rence, kapatid ni Russel na bata.

Niyakap nya ako atsaka pumunta sya sa kapatid nya. "Kuya may dala ka bang pagkain?" napakamot ng ulo si Russel.

"I'm sorry Rence, nakalimutan ko magdala, wala na din akong pera, pero huwag ka mag-alala bukas magdadala na ako" sagot ni Russel.

Hindi na ako nakatiis "Rence, pwede bang sa kotse muna kita, mag-uusap lang kami ng Kuya ko" he nodded at excited nagtatakbo papasok ng kotse ko.

"What's the meaning of this, Rence?" napalunok naman sya.

"P-pwede b-bang a-ako m-muna a-ang p-pumalit s-sa i-iyo s-sa '04 b-bilang p-part t-time j-job? H-halos i-isang linggo n-na k-kasi a-akong w-walang pera. Last month pa ang padala ni Mama, may ipon naman ako kaya naman a-ayun muna ang ipinagtustos ko sa amin, p-pero u-ubos na 'yun, may problema k-kasi sa pinagta-trabahuhan ni Mama kaya hindi sya nakakapagpadala ng pera, b-buti scholar ako kaya w-wala akong problema sa university, p-pinalayas n-na din k-kami d-dito sa b-bahay, 4 na buwan pa lang hindi nagpadala si Mama sa may-ari. H-hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, p-pero kahapon l-lang k-kami tuluyan pinalayas sa bahay" naiiyak na saad ni Russel at napabuntong hininga.

OFW nanay ni Russel, single mother.

"Russel, you could ask for my help nung una pa lang, andyan din naman sila Jeremiah. What are you thinking? Paano kapag may masamang nangyari sayo, at sa kapatid mo?" singhal ko sa kanya

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now