7 : Holy Sanctuary

327 13 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"OH MY FREAKING GOD AERIELLE, SI RILEY 'YUNG KA-CHAT MO? KAYA BA GANYAN KA KILIGIN? HOY GAGA, ESTUDYANTE NATIN YAN, MAG HUNOS DILI KA, GODDDD"

Tuluyan ng naagaw ni Aerielle ang phone nya kay Stella. Kami ni Tiffany parang parehas na tumigil sa pagkain, at tumingin sa dalawa.

Umismid naman si Aerielle "Ang O.A mo Stella"

"Si Riley ang ka-chat ng magaling nyong kaibigan, our freaking student!!" banas na sambit ni Stella

"Calm down Stellar Rigorr, ano bang nakita mo?" pag-aawat ni Tiffany

Napatahimik naman si Stella.

"Oh see, O.A lang si Stella, hindi naman nabasa pinag-uusapan namin, porket nakita lang name ni Riley, kung ano ano agad ang pumasok sa maduming utak. Tss" naiinis na wika ni Ae

"Si Riley nga ang ka-chat ko, nagchichismisan lang naman kami kaya kanina pa akong tawang-tawa, 'yang si Stella lang naman ang may malisya. Close kaya kami ni Riley. Hmp." banas na dagdag pa ni Ae.

"Kelan pa?" sabay-sabay kami napatingin kay Tiffany na busy ngayon na kumuha ng lumpia.

"Anong kelan pa?" naguguluhan na tanong ni Stella, miski kami ni Ae, bigla ba namang magsalita.

"Uhm, I mean kayo ni Riley, kailan pa kayo magkachat?" paglilinaw ni Tiffany

"Pamula nung nangyari ung sa cafeteria. Don't worry my friends, we are really just friends, sobrang close lang talaga naming dalawa, btw, inaaya nya tayo sa Friday, may ganap ba kayo, after class hours?" pagtatanong ni Ae

"Sino-sinong kasama?" tanong ko

"Hmm. Sabi ni Riley, sila daw lahat pero baka sumunod na lang daw sila Louise, libre daw nila"

"Ay bet, sama ako, sabay sabay na tayo" masiglang sabi ni Stella

"Ok. I'm also in" sagot naman ni Tiffany

Napatingin naman sila sa akin. Wala naman akong ganap and ewan ko ba na-excite ako bigla. Bukas na pala 'yung Friday gosh.

.....

On the way na ako papuntang parking lot, after namin lumamon sa opisina ni Tiffany, nag-usap-usap lang kami about sa mga students namin and sa mga ganap sa university. So far so good naman, wala namang masyadong ganap sa university halos mag iisang buwan pa lang naman kasi ang simula ng klase. 

Bukod sa pagchi-chismisan, inalaska din ni Stella si Aerielle, pilit na pinapaamin kung may gusto nga si Ae kay Riley. Hindi naman maikakaila na pinagpala nga sa kagandahan si Riley, at siguradong type sya ni Ae, kita ko rin naman na parang may something si Ae para sa isa. Hindi ba advantage na yun ni Ae kung sakali kasi sobrang close nila sa isa't isa?

Habang nagda-drive ako para umuwi nahagip ng mata ko si Riley may kasama syang lalaki. Hindi naman kaibigan nya kasi close naman namin circle of friends nya, hindi rin naman 'yung binasted nya kanina sa university, red kasi 'yung light kaya naka-stop pa ako, nasa harapan sila ng isang coffee shop, mukhang close na close sila, nakikita ko pa na comfortable sya kasi nakikipagtawanan. Baka boyfriend.

Kapag may pasok, sa condo ako natuloy hindi sa family house namin, malayo kasi yon sa university. Panatag naman ako kasi nauwi naman lagi si Ate Krishna, malapit naman yung family house namin sa place ng work nya, wala na kasi si Papa, maaga syang kinuha sa amin, almost 6 years na, sa sakit sya namatay. Buti na nga lang hindi na tuluyang pinahirapan si Papa, but of course namimiss ko pa rin sya, alam kong proud sya sa akin, kasi finally may teacher na sya.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now