50 : Pasalubong

195 9 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO


Last day ko na ngayon sa Baguio, and it's a free day --- meaning I will spend my last day here to buy pasalubong to my family and friends, and gumala na din mag-isa.

Puro mga pagkain 'yung binili kong pasalubong at meron din mga shirts. Hindi ko naman alam ang ibibigay sa kanilang lahat but I decided na damihan na lang ang pagkain, of course for my ate Krishna and mom tapos marami din akong pinasobra dahil may 13 pa akong uuwian, I'm sure mauubos agad ito.



Mga 3 pm na nung nakauwi ako, masyado akong nawili sa paggagala. 6 pm din ako susunduin, sa family house ako didiretso, tapos bukas need ko pumasok ng university para makapag-report kay Ms. T.



I spend my  remaining 3 hours here in Baguio by doing some paper works na isa-submit ko kay Ms. T para pag-uwi ko diretso pahinga na.


Kanina pa ako nagtitipa sa laptop ko ang pansin ko din ang pagtunog ng phone ko, connected kasi sa Wi-Fi kaya ganon. Iniiwasan ko magbukas ng social media accounts ko, natatakot ako na baka kung anong makita ko doon.




Social media is not a safe place for me ...... right now.




Nagpahinga muna ako sa pagtutok sa laptop ko, nahagip ng mga mata ko 'yung isang necklace na binili ko kanina during my free time.









I actually ...... want to give this ..... to Riley.



It's a butterfly necklace, color blue yung butterfly pero gold yung chain. Hindi ko rin alam kung bakit nakita ko pa itong isang 'to na malayo naman sa mga pasalubong na nakabalandra kanina, I bought it for her ...... I just think it looks great on her. I don't know pero pansin ko na madalang lang sya magsuot ng jewelry sa katawan so I think itatago nya lang ito ..... I badly want to give it to her pero I don't know kung paano at bakit ko pa sya bibigyan ng ganito.

Baka mahalata pa ako kasi sya lang ang bibigyan ko neto. Napahinga na lang ako nang malalim.




Congratulations Elle Riley, NBSB no more.

Congratulations Elle Riley, NBSB no more.

Congratulations Elle Riley, NBSB no more.

Congratulations Elle Riley, NBSB no more.



Eto na naman sya, it keeps on replaying. Gosh. Si Hiro lang naman ang naiisip ko na magiging boyfriend nya. Tsk.



Maghihiwalay din kayo.









Kaagad akong sinalubong ni Mom and Ate Krishna. Natawa ako kasi they really wait for me, I really love my beautiful family :).

Driving hours from Baguio in Manila is really draining but I still choose to stay in our sala pagkadating ko.We catch up kasi ngayon na lang ulit ako nakauwi sa bahay.



"Anak, balita ko nililigawan ka ulit ni Drix, ano ng balita?" Mom ask.


"Nako Mom malamang sila na ulit" nanunuksong turan ni Ate Krishna habang may hawak na bowl of strawberries na dala ko. Tss.

"Hindi Mom, may girlfriend ng iba si Drix but we catch up last time we met" sabi ko na lang, close din kasi si Drix sa pamilya ko.

"So wala kang lovelife, anak? Maghanap ka na, tumatanda ka na" tukso ni Mom.


"Mom!!!" suway ko sa kanya. Ina ko ba talaga ito, inanyo!



"Krys, kamusta pala si Riley?" tanong bigla ni Ate Krishna napalunok na lang ako.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now