77 : Dance Troupe

174 11 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

"Rye babe, sasabay ka ba sa amin later?" rinig kong tanong ni France

"Hindi, pupunta pa ako kay Shannah later" sagot ko naman.


"Hoy alam mo ba, pinagkakamalan ka na nila Ms. Ae na jowa mo si Ate Shannah" dahil sa sinabi ni France, natawa na lang kami parehas.

"Gosh, never in my wildest dream. Para ko ng kapatid yun kahit hindi talaga, incest yan" sagot ko naman.


"I don't know sa kanila, ayun ang usapan nila kahapon nung wala ka sa Holy Sanctuary" saad ni France kaya napatawa na lang ako.

"Why are they thinking like that?" curious na tanong ko habang nakatingin pa rin sa libro na hawak ko. Nandito kami ngayon ni France sa library, she's busy doing her assignment habang ako ay sinamaan ko lang sya, kasi wala akong matambayan vacant ko pa naman.


"I don't know pero si Ms. Ae ata ang nagsimula nun, lagi mo daw kasing sinasabi na uuwi ka kay Ate Shannah, nakigatong naman si Ms. Stella tapos sumabay pa sila Allison" natatawang hayag ni France kaya napatango na lang ako.


"Kung alam lang nila, matagal ka pa ba?" I ask France

"Medyo, why? aalis ka na ba? or kakain ka na?" she ask without looking at me

"Tinatanong ko lang pero gutom na ako, but dahil mabuti akong kaibigan I'll wait for you" I said

"Tss. Wow ha. Hindi ka sasabay kay Ms. Krys?" napanguso naman ako sa tinanong nya

"Hindi. Ewan ko ba nung isang araw pa akong bad shot sa kanya, hindi ko naman alam kung anong ginawa ko" I said.

Dalawang linggo na ang nakakalipas pamula nang ma-detention ako. Si Nicoline, mukhang okay na naman, pansin ko din na sumigla na sya kaya nakakahinga na ulit ako nang maluwag.


Well, nung isang araw pa din ako hindi pinapansin ni Ms. Krys, hindi ko rin alam kung bakit.


"Speaking of Ms. Krys, she seems in a bad mood kahapon din. Baka naman inaway or inasar mo?" she ask. Napaisip naman bigla ako, sa totoo lang, mas naging malapit kami after nung nangyari kay Nicoline. Hindi ko na nga rin sya inaasar kay Nicoline and I don't think may naggawa ako sa kanyang kasalanan. Bakit kaya?



"Wala. Hayaan mo muna, baka allergic sa magaganda for this season" natawa si France sa sinabi ko at umiling-iling. Pero I'm slightly bothered talaga, kahit sa messenger hindi ako pinapansin, kapag may lunch kami na sabay-sabay para bang may nakakahawa akong sakit na ayaw man lang akong pasadahan ng tingin atsaka laging nalayo agad sa akin, kaya hahayaan ko muna sya ngayong araw. Dalawang araw na kaya akong parang tanga na tinatanong at hinahabol sya, ngayong araw I'll give her some space..... di ko rin sya kakausapin or titingnan. Bahala sya.





"Tara na Riley babe" yaya sa akin ni France.

"Wala ka bang balak mag-jowa?" Francelyn ask habang inangkla nya ang kamay nya sa braso ko

"Kapag may dumating edi i-welcome" nakangising usal ko kaya napatawa sya

"May tanong ako sayo" she ask, kaya medyo naintriga ako kaya I just simply nodded pero deep inside medyo kinakabahan ako

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now