92 : Confession

238 6 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ


Napahilot na lang ako sa sentido ko habang papasok ng AeU. Halatang nagulat pa ang guard ng makita ako.


Well, expected ko na iyon. For sure, aakalain ng mga kapwa ko estudyante isa akong zombie na pakalat-kalat.


Mas pinili ko na lang huwag pansinin ang mga tingin ng mga tao sa akin. Wala akong maayos na tulog at natibok ng maigi ang ulo ko kaya umayos sila, tutusukin ko mga eyeballs nila eh.


"Saan mataas ang sinag ng araw?" napaikot ang mga mata ko dahil sa bungad ni Francelyn.

"May sore eyes ka ba bheng?" natatawang tanong ni Ynnah, inirapan ko lang din sya kahit hindi nila makikita. Pareho silang lumingkis sa magkabila kong braso, para tuloy akong inaresto ng mga pulis.


I'm wearing sunglasses kasi, namumugto kasi ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kahapon hanggang sa makatulog na ako, puyat din ako kasi madaling araw na ata ako tinamaan ng antok, naglasing na naman kasi ako.


Iniisip ko kasi iyong pag-uusap namin ni Shobe kahapon, hindi ko maiwasang malungkot at magmukmok sa bahay ko. Ang sakit nya sa puso.



"Ilan klase mo today?" tanong ni Ynnah

"Dalawa lang, parehong morning" sagot ko naman

"Balita ko kay Ms. Stella walang klase today, ewan ko lang, kapag walang klase edi wow" saad ni France

"Riley girl, nag-inom ka na naman? Nanapak amoy mo ha" singhal ni Ynnah kaya napaamoy ako sa sarili ko


"Tss. Sabi na e, kaya naka-shades si accla, puyat sa pag-iinom, hindi ka naman mabaho, ang bango mo nga" napairap na lang ako kay France kasi sumiksik pa sya sa akin

"Napapadalas ah" kantyaw naman ni Ynnah, hindi na lang ako umimik.








[AeU Website]

Sorry for the late notice, AERIES!

Classes for today are suspended, but you are not allowed to go home. Stay inside the university. Have a good day!

Classes will resume tomorrow.






"I told you, tara sa office ni Ms. Ae" excited na wika ni France habang inaayos yung gamit nya. Dumiretso na kami sa library bago pa mag-announce na walang klase.




"Una na kayo, may dadaanan pa ako" wika ko sa kanilang dalawa

"Sunod ka sa office ni Miss Ae ha" turan ni France, nag-nod na lang ako.






Pumunta ako sa may baseball arena dito sa university, na-miss ko lang maglaro. Bonding kasi namin itong magpipinsan and hindi ko ikakaila na parang professional player ako sa baseball. Feel ko lang maglabas ng hinanakit through baseball. Sinuot ko iyong gloves at ibinaba ang mga gamit ko sa upuan.







"Nice" puri ko sa sarili ko. Kahit papaano ramdam ko na gumaan ang pakiramdam ko, kahapon pa ata kasi akong lutang, after ko iwan si Shobe sa may garden, may klase pa ako na pinasukan pero wala akong naintindihan kasi iniisip ko sya. Hindi na ako nagpakita sa mga kaibigan ko kahapon at agad ng umuwi ng bahay, and ayun nag-inom at umiyak ang Rey girl nyo.



Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now