CHAPTER 117:

30 1 0
                                    

KAIRON'S POV:

(9:00 PM)

"Chief, himala maayos kwarto mo." sabi ni Kenjie kaya tumawa naman sila.

"Tsk, problema mo?"

Nakauwi na kami sa Academy mga bandang 6 ng gabi at ngayon andito ang tatlo sa kwarto ko, ewan ko lang kung ano ang trip nila.

"Naapektuhan kaya si Winter sa sinabi ng pinsan ni Pearson?" tanong ni Kurt.

"Halata naman, tatanungin ba niya sina Tito Jake kung hindi?" tumango naman sila.

"Tsk, muntikan na siyang suntukin ng sariling niyang pinsan." sabi ni Kenneth.

"Alam naman nating lahat na gusto ni Pearson si Winter." sabi ni Kurt.

"At mukhang yung pinsan niya rin." dagdag ni Kenjie.

"Excuse tayo bukas diba?" tanong ni Kenneth.

"Hmm, kailangan tayo doon sa Gym. Pupunta raw kasi yung ibang Royal Blood, tayo ang mag-a-arrange ng upuan nila at bantayan ang Gym. Tambayan pa naman yun every recess at lunch and also dismissal kung may practice doon."

"Ok na rin yun, nakakaboring na minsan mag-aral." sabi ni Kenjie tsaka tumawa.

"Kung sana kasing talino lang natin si Winter, di na talaga ako magsusulat." sabi ni Kurt kaya tumawa naman kami.

"Ano? Alam mo na ba kung sino yung Anthony na yun?" tanong ni Kenneth.

"Sabi ni Winter, isa sa mga kababata niya. Bestfriend ni Ethan pero mas close raw si Ethan kay Jun. Nagulat ba kayo kung pano na iwasan ng lalakeng yun ang atake ni Winter ng hindi nahihirapan?" tumango naman sila.

"Si Jun raw ang nagturo kay Winter kung pano gumamit ng dagger at kahit kailan raw di niya natalo si Jun. Then si Jun naman ay di pa rin natalo si Anthony kahit kailan."

"Seryoso? May mas magaling pa pala kay Kuya Alden?" tanong ni Kenjie.

"I think so...."

"Kaya pala, malakas si Winter, mas malakas si Jun, pinakamalakas naman yung Anthony na yun. Siya lang ata ang katapat ni Winter dito sa Academy so far...." sabi ni Kenneth kaya tumango naman kami.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto hanggang sa napagplanuhan na nila na bumalik sa kwarto nila. Gaya ng sabi nila na maayos ang kwarto ko ay inaayos ko na, hindi na kasi ako tinutulungan ni Winter dahil sa 'LQ' raw namin. Siya naman talaga ang nilalapitan ko kung makalat na talaga ang kwarto ko pero ngayon hindi....

Pabagsak akong humiga sa kama ko tsaka hinanap yung unan na ginagamit niya everytime na hinihila ko siya para matulog dito. May sarili siyang unan dito, everytime I miss her scent, niyayakap ko lang ang unan niya. Dumikit na kasi ang amoy kaya doon ko sinubsob ang mukha ko.

"Pati ba naman ang amoy mo namimiss ko? Punyeta naman oh...." tsaka tumawa na lang. Konting tiis na lang, mayayakap na kita.

"Tulog na kaya siya?" tsaka kinuha ang phone ko para tignan ang oras.

"10:30....puntahan ko nga siya." at tumayo.

Inayos ko muna yung hoodie ko tsaka binuksan ang pintuan, katapat ko lang ang kwarto niya kaya nilapitan ko naman ito. Bubuksan ko na sana ang pintuan nung may narinig akong tunog, tunog ng isang bagay pag nahulog. Binuksan ko naman agad ang kwarto niya at nakita ko siya sa sahig nakahiga habang nasa dibdib niya ang kamay niya.

Lumapit naman ako sa kaniya na nahihirapang huminga, dali-dali ko naman siyang hinawakan para buhatin pero nagulat na lang ako dahil sobrang init niya. Mas mainit pa siya sa may lagnat. She's already pale at may luha ng tumutulo sa mata niyang nakapikit.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now