CHAPTER 33:

47 2 0
                                    


WINTER'S POV:

"But you can't do it now." kaya napatingin naman sila sakin.

"You can't do it." sabay swing ng katana ko sa harap nila. Napasigaw naman sila sabay bitaw ng katana nila. Agad kong binalik ang katana sa lalagyan nito tsaka nilahad ang kamay ko sa kanila para tulongan silang makatayo.

"See? You didn't even know how to dodge it. Baka kong hindi ko kayo napigilan ay magkakasugat kayo ng malalim. Stand up, don't worry aabot naman tayo doon dahil tuturuan ko naman kayo mamaya, after lunch. Focus muna kayo ngayon kong pano ito gamitin ng maayos, one wrong move can kill anyone." sabi ko. Hinawakan naman nila ang kamay ko kaya hinila ko sila patayo.

"Get your katana and stay away from each other, 5 meters." kaya agad naman nilang sinunod ito.

Nung makalayo na sila sa isa't-isa ay agad kong pina-ilaw ang mata ko, maraming damo ang tumubo sa pwesto nila na mas mataas pa sa kanila.

"You only have one hour to help yourself para hindi kayo mapalibutan ng mga damo na yan. Use your katana para maputol ito." sabi ko.

"Wah! Antaas nito!"

"I can't see anything other than the grasses!"

"Your time starts now!" sabi ko.

Everytime na napuputol ang mga damong natatamaan ng katana nila ay pinapatubo ko naman ito pabalik. Just a little bit of my energy is used para doon sa mga damo na yun.

Pinanood ko lang sila kong pano nila pinutol yung mga damo na palaging tumutubo sa paligid nila. Naririnig ko na rin silang nagmumura kaya natawa na lang ako. Nung tapos na ang oras nila ay hininto ko na yung mga damo tsaka hinarap sila.

"Bwisit yung damong yun, ang kati." sabi ni Alexis sabay kamot sa braso niya.

"It's already 12:00 PM, you want some juice right?" kaya tumango naman sila.

"Take some rest first, magluluto muna ako." kaya agad naman silang umupo sa bench.

Pumasok na ako sa loob ng bahay tsaka nagsimulang magluto. Habang nagluluto ako ay nagtimpla na rin ako ng juice, tutal nagdala naman ng dalawang pack si Samantha.

"AHHHH! Huwag kang lalapit!" kaya agad naman akong tumakbo palabas.

Nabigla ako dahil may malaking lobo na nakaharap sa dalawa ngayon. Pano yan nakapasok dito? At galit na galit pa!

"W-winter! M-may lobo!" sigaw ni Samantha kaya agad naman akong nagteleport sa harapan nila. Ginawa ko ang sarili kong katawan as a human shield. Nilahad ko ang palad ko sa harapan ng lobo habang pinoprotekthan yung dalawa sa likod ko.

Nakipagtitigan ako sa lobo na nasa harapan ko, ramdam kong galit na galit ito pero nakakapagtaka lang dahil unti-unti itong umamo sa harapan ko. Napa-atras naman ako dahil unti-unti ring lumalapit samin ang lobo kaya mas napahigpit naman ang hawak nina Samantha at Alexis sakin.

"W-winter, b-bakit may g-ganyan dito?" tanong ni Samantha.

"Ewan ko nga eh, wala naman to nong nakaraang araw."

Nung lumapit samin tong lobo na to ay nahawakan ko ang mukha niya at mas lumapit pa sakin. Gusto niya sigurong hawakan ko siya kaya lumapit naman ako sa kaniya.

"Winter? Anong gagawin mo?" sabi ni Alexis sabay hawak sa braso ko.

"May something dito sa lobo eh, diyan lang kayo huwag kayong aalis."

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now