CHAPTER 82:

33 0 0
                                    

WINTER'S POV:

"Sabihin mo na lang Winter, para hindi ka na guluhin ni Kairon." sabi ni Mom kaya tumango na lang ako.


"Minsan talaga maniniwala akong ginayuma mo sila." tumawa naman siya.


"Ask the gang. Alam nila yun." tumango naman siya.


"Ahmm, anong itatanong ko?" sinamaan ko naman siya ng tingin.


"He's asking kung sino si Zeus." nagkatinginan naman sila.


"Ako." sabi ni Kuya kaya kita ko naman ang pagkabigla ni Chief.


"Si Kuya Spring?" tumango naman ako.


"Ano? Jojowain ko ang Kuya ko?" ngumiti naman siya.


"Akala ko ibang lalake, kuya mo lang pala." napa-iling naman ako.


"Eh si Apollo?"


"Ako." sabi ni Blue kaya tumango naman siya.


"Ano? Magseselos ka pa? Bwisit, sinabi ng wala kaming relasyon eh." ngumiti naman siya.


"Ano ba kasi ang sinabi ni Code A?" tanong ni Ate.


"Sabi niya may relasyon raw kami ni Zeus kaya ayun triggered ang utak ni Chief." tumawa naman ang Kuya ko.


"You know what? No need to worry, kami lang ang myembro ng Heartbreakers." bulong ni Kuya kay Chief kaya tumango naman siya.


"Hoy, sabi ni Mama. Pag palagi mo raw siyang inaasar, siya daw ang makatuluyan mo. Kaya siguro palagi mo siyang inaasar."


"Kaya nga inaasar ko diba."


"Huh?!" nagulat naman si Calvin na naglalakad papunta dito.


"Ano yun Cal?" tanong ko so he laugh nervously.


"Joke lang naman yun." sabi niya sabay ngiti sakin. Tumawa naman yung gang sa kaniya.


"Huwag mo akong ngitian Calvin."


"Joke nga lang yun Ate eh!" tsaka niyakap ako.


"Maganda ba Calvin?" tanong ni Kuya kaya nag-iwas naman siya ng tingin.


"Kaya pala inaasar ah!" sabi naman ni Amory sabay ngiti ng nakakaloko.


"Papansin ka rin eh!" tumawa naman kami. Maya-maya ay dumating si Lily na nakasimangot kaya tinanong ko naman siya.


"Si Calvin kasi, kanina lang ako inaasar!"


"Edi dun ka sa lalakeng kausap mo kanina!"


"Eh ano naman sayo kung kausapin ko siya?"


"Pangit naman yun." napa-iling naman ako. Si Amory naman ay tawa lang ng tawa sa gilid, mukhang mas masaya pa siya na nag-aaway yung dalawa.


"Pinsan ko yun, tinanong niya lang si Lily kung asan ako!" sabi ni Amory tsaka tumawa na naman siya.


"Tita Kaira, rinig mo ba ang sinasabi ng kapatid ko?" tumawa naman si Tita Kaira.


"Ate naman eh, hindi nga!"


"Calvin, sa inaakto mo ngayon, your jealous. Kahit itanong mo pa sa kanila."


"Tsk, Tsk, Tsk, kung magseselos ka na lang sabihin mo na!" sabi ni Chief kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Huwag mong itulad tong kapatid ko sayo, napakaseloso mong bwisit ka!" tumawa naman siya.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now