CHAPTER 106:

37 0 0
                                    

ETHAN'S POV:

"Putik, ito na nga ano sinasabi ko eh...." sabi ni Winter kaya tumawa naman kami.


Nakayukong naglalakad sina Winter at Asher dahil pinagtitinginan na sila dito. Nakahawak siya sa braso ko habang nakayuko.


"Diba sila yun?"


"Hmm, bakit?"


"Ang ganda pala ng babae no?" sinamaan naman namin nina Kace ng tingin.


"Hmm, malakas pa."


"Mamaya ko na tatanungin ang number niya."


"Subukan niyo lang!" sigaw ni Kace kaya tumawa naman kami. Pagdating namin doon ay may dalawang malalaking bahay at isang maliit na cottage.


Doon kayong mga lalake at dito naman ang mga babae." sabi ni Nanay Rona kaya pumunta naman kami doon at pumasok na.


"Woah! Ang ganda!"


"May tatlong kwarto pero walang kama?" sabi ni Cameron.


"Mas maganda kong sa sahig tayo matutulog at dahil tatlong kwarto ay apat o lima tayo sa isang kwarto." sabi ni Asher.


Kasama ko sa kwarto sina Agustus, Brandon, Cameron at Finn habang si Kace naman ay kasama ang apat bata tapos sa last na kwarto ay sina Pearson at Asher. Pumunta naman sa Balcony sina Agustus tsaka sumigaw.


"CRUSH NI CAMERON SI VIC---ARAY?!"


"Tumahimik ka nga diyan!"


"Gusto niyong ihulog ko kayong dalawa diyan?" sabi naman ni Brandon.


"Kuya Ethan! Pwede na po bang maligo?" tanong ni Finn.


"Pwede na ata, andun na sila oh?" sabi ni Asher kaya dali-dali naman silang tumakbo palabas.


"Dahan-dahan lang!" sigaw ni Kace.


"Hindi na kayo magbibihis?" tanong ko pero sabay-sabay naman silang umiling. Napatingin naman ako kay Asher na may dalang Polaroid.


"May dala ka palang ganiyan?"


"Hmm." napatango na lang ako.


Paglabas namin ay kumakain na yung ibang bata, ang iba naman ay naliligo na agad, nakakamangha lang dahil kahit 1:00 PM pa ay hindi mainit dito. Tumabi naman ako kay Winter na kumakain lang doon, kausap pa nga niya si Nanay Rona at Kace na tumatawa doon.


"Pero hija, hindi ka ba maliligo?"


"Hindi, pero kung gusto ko may dala naman po akong damit." sabay subo ng carbonara.


"Is that a Polaroid?" tanong niya kay Asher.


"Yup, gusto mo bang hiramin?"


"Ayoko, baka kunin ko yan. Joke lang!" tumawa naman ako.


"Ganyan talaga yan eh, noon hiniram mo yung keychain ko hindi mo na binalik. Hiniram mo ang ballpen ko pero hindi mo binalik." tumawa naman siya.


"Sorry naman." tumawa na lang ako.


"Cheater! Mas malakas kayo eh! Dapat samin si Kuya Agustus!"


"Anong Cheater?! Sampo kayo tapos tatlo lang kami?!"


"Naglalaro sila ng Tug of war?" tanong ko tsaka tumawa. Kinuhaan naman ni Asher ng litrato sila tsaka pinakita kay Winter.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now