CHAPTER 40:

54 1 0
                                    


RICARDO AUSSARESSES POV:

"Alam kong wala akong kwenta at alam ko yon. Alam na alam ko yun." sabi niya sabay higpit sa sakal niya kay Nicole.


"Hindi mo kasi alam tong nararamdaman ko eh. Bakit? Kasama ba kita sa lahat ng hirap na dinanas ko diba hindi? Kilalang-kilala mo ba ako para pagsabihan ng ganun? Ano bang pake mo kung di nila ako mahal? Ikaw ba yung masasaktan diba hindi? Hindi mo alam ang nararamdaman kong sakit sa loob ng tatlong taon na hanggang ngayon dalang-dala ko parin." kalmadong sabi ni Winter pero may something sa boses niya na hindi ko pa narinig noon.


Napatingin naman ako kay Sandra na pinipigilan ang sarili na umiyak. Pati yung mga kaibigan niya ay nakayuko na ngayon.


"And about the news you heard diba dapat wala kang alam niyan dahil usapang pamilya yun, kailan ka pa naging pamilya ko? Ah? Kailan?"


"Kapal rin ng mukha mong sabihan ako ng malandi? Sating dalawa ikaw yung uhaw sa atensyon pagdating kay Chief, inggit ka lang eh dahil mas pinapansin niya ako kaysa sayo." hinagis naman ng vines niya si Nicole at napasigaw na naman sila dahil nabasag na naman ang barrier dito.


"Thank you for telling those things sa Hal-abeoji ko."


"Thank you for telling it to me and gusto ko lang na malaman mo na maling tao ang ginalit mo." tsaka hinagis na naman. Nabangga siya sa pader doon sa loob at nagulat rin ako ng nabasag yun.


"Di na siguro to makakalakad, pag literal na nagkasakitan sila." sabi ni Autumn.


"Oo nga halata na galit na galit na si Winter, ginulpi na niya si Nicole. Maling tao talaga ang ginalit niya." sabi naman ni Blue.


"At sa tingin mo ba pasok ka sa top 3? Well andito ako at hindi kita hahayaang makatungtong sa top 3 hangga't humihinga pa ako." sabi niya sabay lakad papalapit kay Nicole na halos nakalibing na dahil sa mga semento na nabasag kanina.


"Go ahead. Heal yourself. Hindi mo na kaya diba? Ngayon say bye-bye to me." sabi ni Winter sabay tawa. Her laugh....sends shivers to me....


"Bwisit talaga yung tawa ni Winter, mukha siyang nasapian ng masamang spirito." sabi ni Blue.


"Ngayon? Asan na yang pinagyayabang mong lakas?Huh? Asan?" sabi niya. Hinila naman niya ang buhok nito tsaka tinaas para magkatinginan sila. Binigyan naman siya ng ngisi ni Winter tsaka tinaas ang kamao niya, she punch her face 5 times.


Hindi nagtagal ay naglaho na si Nicole at ang dalawa pang studyante, lumingon na si Winter sa dalawang natira. Tatlo na lang ang natira at isa na doon si Winter.


"Magkakaibigan sila diba?"


"Oo nga, ano kayang mangyayari?"


"Hindi kaya, magdu-duel na naman sila?"


"I don't think so...."


"I think they will....look!"


Napatingin naman ako sa Arena and its true, naglalaban yung tatlo. Hindi rin halata na magkakaibigan sila dahil ang seryoso nilang tingnan. Halos magkapantay na ang lakas ng tatlo pero halata parin na si Winter ang nangunguna.


"Winter! Kaya mo pa? Namumutla ka na?"


"Kaya ko pa, don't worry about me. Fight me."


"Pero---"


"Just think na parte ito sa training natin. Tingnan niyo ako na parang isang masamang tao na gusto niyong patayin, alisin niyo muna sa isip niyo na magkaibigan tayong tatlo."


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin