CHAPTER 54:

44 1 0
                                    


WINTER'S POV:

"Ang sweet niyo naman, iwan ko na lang kayo. Go ahead, spend time together pero huwag dito sa higaan ok?" sabi ng Nurse sabay alis.

"That was gross...." sabi ko kaya tumawa na naman siya dito.

Kahit na takot ako sa Alcohol ay tiniis ko na lang dahil wala naman akong choice. Wala rin dito si Ate Luna kaya hindi niya ako magagamot. Napatingin naman ako sa kaniya dahil bigla siyang huminto.

"May problema ba?" but imbis na mag salita siya ay hinawakan niya ang labi at ang ilong ko.

"Hindi mo ba talaga kilala ang magulang mo?" tanong niya.

"Hindi, bakit?"

"Your nose and lips, are like Ms. Principal...." sabi niya kaya nabigla naman ako.

"Pano mo nasabi?"

"Ngayon ko lang napansin."

"Hindi kaya ako yung nawawalang anak?"

"Ewan ko lang."

"Nahihilo ka pa ba?" kaya umiling naman ako.

"Halika na, sa Gym tayo ngayon."

"There's no way na magpapakita ako dun na maraming kalmot ang mukha ko." sabi ko kaya natawa na lang siya.

"Dito ka lang?" kaya tumango naman ako. Tinulak naman niya ako kaya napahiga naman ako. Humiga siya sa tabi ko tsaka niyakap ako.

"Edi dito na lang tayo, tabi tayo." sabi niya sabay lagay ng ulo niya sa leeg ko.

"Huwag na lang, pumunta na lang tayo dun." sabi ko kaya binitawan naman niya ako.

---

ASHER POV:

Naghihintay lang ako kay Winter dahil 10 minutes na siyang wala dito kasama si Kairon. Alam ko naman gusto ni Kairon si Winter dahil halata naman talaga siya. Kita ko ang nangyari kanina at isa lang ang masasabi ko, hindi siya basta-bastang magalit.

Kita ko ang takot at panginginig ni Iris kanina dahil sa ginawa ni Winter. Maya-maya ay pumasok na siya kasama si Kairon kaya naisipan kong lumapit sa kaniya. Tatayo na sana ako ng hinila ni Iris ang braso ko kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Ano?!"

"A-alam k-kong pupuntahan m-mo s-siya, pakibigay na lang nito." sabi niya sabay bigay sa mini bag ni Winter. Ito yung hinagis ni Winter sa kaniya kanina.

"Ginamit mo ba to?" kaya tumango naman siya.

"At may lakas ka pang gumamit no?"

"Dahil sinabi niya, sinusunod ko lang siya." sabi niya sabay alis dito sa harapan ko. Lumapit na ako kay Winter sabay bigay ng mini bag niya.

"Ayos ka na?" tanong ko kaya tumango naman siya.

"Yeah I'm ok, don't worry." sabi niya sabay ngiti kaya napangiti na lang rin ako.

"Halika na Winter, naghihintay na sila...."

"Oo nga, sandali lang. Ash, una na ako. Salamat kanina." sabi niya kaya pumunta na sila doon sa area nila.

"Bro, close ata kayo nung chicks na yun...."

"Mukha lang siyang mataray pero mabait naman yun." sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon