CHAPTER 42:

42 2 0
                                    


WINTER'S POV:

"W-WOW!" sabi ko kaya napatingin naman sila sakin.


"A-ang ganda niyo!" sabi ko sabay lapit sa kanila. Medyo colorful yung gown nila and yes, bagay na bagay sa kanila.


"Believe me, I'm not lying!" sabi ko kaya ngumiti naman sila.


"Grabe! Ang gaganda niyo talaga ngayon. Pustahan may bibig na nganganga ngayon." sabi ko kaya tumawa naman sila. Grabe! Wala na akong masabi.


"Mukha kayong mga prinsesa." dagdag ko. Pinagmasdan ko lang ang mga itsura nila sa salamin na nasa kwarto ni Samantha. Dito kasi sila inayusan, ewan ko lang kong bakit.


"Ano Winter, OK ba?"


"Oo naman Tita, ang ganda nga nila eh." sabi ko.


"Kung maganda kami, ano pa kaya kung ikaw?" tanong ni Samantha.


"Lubog ang ganda ni Nicole." sabat ni Alexis.


"Walang ganda si Nicole, mukha lang meron." sabi ni Samantha kaya tumawa naman kaming tatlo. Nahawaan na ata sila sakin.


"Nga pala anong sabi ng partner niyo?"


"Susunduin raw ako ni Kurt dito." sabi ni Samantha.


"Ako rin, susunduin raw ako ni Kenjie." sabi rin ni Alexis. Edi sila na yung sinusundo....


"Ok, sa baba na muna ako. Tatawagin ko na lang kayo kung andito na sila." sabi ko kaya tumango naman yung dalawa. Pagbaba ko ay timing rin na may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko na ito.


"Gwapo natin ah! Pasok kayo." sabi ko kaya pumasok naman yung dalawa.


"Opo muna kayo, tatawagin ko lang yung dalawa." sabi ko sabay balik sa taas pero bago yun.


"Walang nganganga ah?" sabi ko kaya tumawa naman sila sabay tango.


"Samantha! Alexis! Andito na si Kenjie at Kurt!" sigaw ko.


"Asan yung iba?"


"Nandun na si Kenneth, Chief at Claire sa Gym. Reklamo nga si Chief eh, lonely raw siya." sabi ni Kenjie sabay tawa.


"Pakisabi sa kaniya ang oa niya."


"Ano? Bagay ba samin?" tanong ni Kurt.


"Bagay na bagay, thanks to Tita Britney." sabi ko kaya tumango naman sila. Naka-white suit yung dalawa pero may kaibahan naman.


Maya-maya ay bumaba na sa hagdanan si Samantha at Alexis kaya napangiti naman ako. Napatingin naman ako sa dalawa na nakanganga ngayon, kakasabi ko lang diba?


"Kakasabi ko lang na walang nganganga diba?" sabi ko kaya agad naman nilang sinara ang bibig nila. Nilahad na nila ang kamay nila kaya tinanggap naman ito ng dalawa, inayos ko ang buhok ko tsaka nagsuot ng cap tsaka facemask.


"Kita na lang tayo sa backstage Winter ah?" sabi ni Tita kaya tumango naman ako at niyakap siya. Lumabas na siya kasama yung dalawang makeup artist na kasama niya kanina.


"Una na kayo, susunod na lang ako. Kukunin ko lang yung paper bag ko. Nandoon kasi ang gown at sapatos ko." sabay punta sa kwarto ko.


Naramdaman ko silang lumabas na kaya hinayaan ko na lang sila. Kinuha ko na yung paper bag ko tsaka hinalikan ang ilong ni Yukio na natutulog ngayon sabay labas sa room namin.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon