CHAPTER 84:

37 1 0
                                    

WINTER'S POV:

"Oh? Tulog na siya?" sabay tingin kay Claire na natutulog na sa kama ko.


"I guess bukas na lang kami mag-uusap." tsaka tumabi na sa kaniya. Napahinto naman ako nung niyakap niya ako kaya niyakap ko na lang rin siya tsaka natulog na lang.

---

(8:00 AM)

"Winter...."


"Winter...."


"Hmm?"


"Sabi ni Graciela may practice raw kayo doon sa venue ng Party bukas." sabi ni Claire kaya bumangon naman ako.


"As in ngayon agad?" tumango naman siya.


"Asan si Graciela?"


"Andito, hinihintay ka. Sabi niya nag-aayos pa daw yung tatlong kasama mo." tumango naman siya.


"Pakisabi na lang na mag-aayos na ako." tumango naman siya tsaka lumabas na.


Tumayo na ako at naghanda na agad. Sana nagsabi sila kahapon, ano ba yan ang sarap pa ng tulog ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at sinuklayan ang buhok ko. Hindi ko na to tatalian, baka ako na lang ang hinihintay. Dala ang mini bag ko ay lumabas na ako sa kwarto ko tsaka kumuha ng pagkain at Chuckie sa fridge.


"Sorry ngayon ko lang nasabi. Sabi kasi ng Mama mo na mas maganda na sasama na lang tayo sa kanila. Magde-decorate ata sila dun." sabi ni Graciela.


"Ok lang naman. Tapos na ba sila?"


"Hmm, I told them to wait us on the bus." tumango naman ako tsaka nagpaalam na sa kanila.


Lumabas na kami sa Hotel at sumakay na sa bus. Nandun na yung mga Teachers including my Father and also andun na rin si Mama. Lumapit naman si Mama para ayusin yung buhok ko, hindi pa kasi ako tapos magsuklay.


"Come, aayusin ko yung buhok mo. Kakagising mo lang siguro eh tapos ligo agad." tumango naman ako.


"Goodmorning Pa." ngumiti naman siya sakin.


"Goodmorning too Amara." sabay gulo sa buhok ko kaya pinalo naman ni Mama ang kamay niya.


"Ma, anong gagawin niyo dun? Akala ko bukas pa kayo mag-aayos dun?"


"No, ngayon na. Gagamitin ang oras bukas para mag-isip kong ano ang susuotin niyo. Hindi niyo naman kailangan ng gown." tumango naman ako. Napatingin naman ako sa phone ko tsaka sinagot yung tawag. Ni-loudspeak ko na lang dahil busy pa ako sa pagkain ko.


"Yes?"


"Asan ka? Sabi ni Claire umalis ka raw?"


"Sa Venue kung saan gaganapin yung party, practice lang."


"Sino kasama mo?"


"Obviously sina Graciela."


"May lalake?" tumawa naman si Mama.


"Meron." sabi ni Papa.


"Luh? Sino yun?!" tumawa na naman si Mama.


"Si Papa lang yun Chief, oa mo."


"Oh? Kasama mo si Tito?"


"Kakarinig lang diba?" tumawa naman siya.


"Bakit ka tumawag?"


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now