CHAPTER 97:

28 0 0
                                    

WINTER'S POV:

Andito lang kami sa living room nila, katabi ko si Faye na bumubuo ng puzzle dito sa tabi ko habang sila Mama naman at Papa ay nag-uusap kasama sila Lolo at Lola. Ako naman ay binabantayan yung pinsan kong 1 year old, kapatid ni Faye. Naalala ko tuloy si Zachary sa kaniya.


Nakakatuwa lang dahil hinahawakan niya ang pisngi ko tsaka tatawa na naman, tapos lalakas naman ang tawa niya pag hahalikan ko ang pisngi niya. Tumatawa na rin si Mama dito sa tabi ko kaya minsan pinagtitinginan na kami.


"Ma, gusto ko ng kapatid." bulong ko kaya hinampas naman niya ako.


"May kapatid ka na."


"Pero gusto ko ng baby."


"Gumawa ka."


"Pwede?" hinampas na naman niya ako.


"Joke lang." tumawa naman siya.


"Ang cute ng ngiti---Eww...." pati sa Faye tumawa sa tabi ko.


"Pinahiran niya ako ng laway!" tumawa na naman si Mama sa tabi ko tsaka pinunasan ang pisngi ko.


"Nakakadiri yun ah." kumuha naman ako ng bagong tissue para sa kamay niya.


"Nic naman eh, huwag yung laway. It's disgusting...." bulong ko habang pinupunasan yung kamay niya.


"Mama...." binigay ko naman siya kay Tita Gen.


"Sabi niya Mama daw." tumango naman siya. Kinuha naman niya ito at nagulat naman kami nung bigla siyang umiyak at tinuturo niya ako.


"Mama...." tsaka pilit na lumalapit sakin.


"Ako?" turo ko sa sarili ko.


"Kunin mo nga Amara, baka tatahan." sabi ni Mama kaya kinuha ko naman si Nicholas. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumahan tsaka niyakap ako.


"Halaka Kuya! Yung prinsesa mo may anak na!" sabi ni Tita Gen kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Papa.


"Magaling siya sa bata Gen, siya lang rin ang nagpatahan sa isang bata na umiiyak noon."


"Pwede na siyang mag-asawa Kuya, halaka! Magkaka-apo kana!" tumawa naman ako tsaka umupo na.


"Bawal pa nga siyang magkaboyfriend, apo pa kaya?"


"The heck Kuya? Wala pa tong boyfriend?!"


"Wala pa po."


"Grabe ka Kuya! Baka tatandang dalaga ang anak mo."


"Yeah, she's single but there's someone waiting for her para ligawan siya, right Amara?" sabi ni Papa kaya napayuko naman ako.


"They act like a couple but they're not a couple. They kiss a lo---"


"Mama!" tumawa naman siya. Napatingin naman ako kay Nic na nakalagay ang ulo niya sa dibdib ko habang natutulog.


"Bakit pinapayagan mo na ba si Faye?"


"Oo naman Kuya, siya lang yung ayaw pa." sabi ni Tita Gen kaya tumawa naman ako.


"Baka nga may boyfriend ka na, ayaw mo lang sabihin." nanlaki naman ang mata niya.


"Wala ah! Baka nga couple talaga kayo di mo lang sinabi!"


"Gago ka ah!" tumawa naman siya.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now