CHAPTER 36:

40 1 0
                                    


WINTER'S POV:

"Winter? Anong ginagawa mo dito?"

"Oh? Storm, ikaw pala. Wala nagpapahangin lang. Ikaw?"

"Same. Maganda ba ang stay mo doon?"

"Yes, sobrang ganda. I already have a friends there. Kaya nilang sabayan ang ugali ko dahil medyo katulad din nila ako pero may isa talaga na kahit magmura hindi magawa." kaya tumawa naman siya.

"I'm glad na OK ka lang doon. Sanay lang kasi ako na nilalayo mo ang sarili mo sa mga tao."

"Nararamdaman ko na rin na unti-unti ng bumabalik ang dating ako."

"You should smile sometimes, you're beautiful everytime you smile. Sometimes, your smile can brighten up someone's day without you knowing it." kaya napalingon naman ako sa kaniya. Lumapit naman siya sakin sabay halik sa noo ko.

"Goodnight Winter, sweet dreams." sabay alis.

Hindi rin ako nagtagal doon at bumalik na rin ako sa kwarto ko. Nakita ko doon yung kambal na tulog na kaya agad naman akong tumabi sa kanila. Sa gilid ako humiga para walang mahuhulog sa kanila.

"Ate Winter? Ikaw ba yan?" tanong ni Summer habang nakapikit.

"Yes its me. Tulog ka na." sabi ko kaya humarap naman siya sakin tsaka niyakap ako. Nilagay ko ang braso ko sa bewang nila tutal abot naman ito kay Sunny.

---

(SUNDAY ON GANGSTER SOCIETY AT 12:00)

Ingay ng mga tao at tugtog ang umalingawngaw sa buong Gangster Society habang naghihintay sa Royal Rumble na magaganap. Hindi alam ng mga kalaban na nandito ako ngayon. Nasa isang madilim na area lang ako nakatayo at nakasandal sa pader.

Suot ko ang maskara at ang red na wig ko na hanggang pwet ang haba. Wala pa ring nakapansin sakin kaya Ok lang, may hawak rin akong dagger ngayon baka may biglang aatake sakin. Nasa isang table lang sila ngayon at ako na lang ang kulang, alam rin nila na dumating na ako.

"Oh? Asan si Aphrodite? Wala parin siya? She doesn't deserve the throne kung palagi siyang wala." sabi ni Code A ng Black Demons.

Siya ang ikalawang babae na pinakamalakas dito sa Gangster Society. Siya rin ang gustong kumuha sa pwesto ko but sadly hindi yun mangyayari.

"Its doesn't part of your concern kung nandito man siya o wala. Kahit anong gawin mo, di mo makukuha ang trono sa kaniya." sabi ni Athena.

"Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat makuha lang ang trono niya. Kahit pa na kailangan kong mandaya."

"You didn't know Aphrodite, mas tuso pa siya sa inaakala mo. Lakas lang kasi ang meron sayo, utak wala ka." sabi naman ni Apollo.

"So I suggest na maging Zombie ka muna ng isang araw at kainin mo ang utak ng matatalinong taong nakilala mo. Baka sakaling tatalino ka." pero tumawa lang ito sa kanila.

"Well let's see, you know how dirty I play right? Baka one day, gigisingin kayo na wala na ang pangalan niyo sa ranking."

"Kailan? Yung may anak na si Aphrodite? She's just 17 kaya malayo pa unless kong maaga siyang mabuntis." sabi ni Zues.

Pagkatapos sabihin yun ni Zues ay nakangiti parin itong umalis tsaka bumalik sa table nila. Napatawa na lang ako dahil tama rin kasi si Zues, may naramdaman akong presensiya dito kaya napalingon naman ako.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now