CHAPTER 68:

41 1 0
                                    

WINTER'S POV:

Pinanood ko lang si Audree at yung mga kasama niya na nag-release ng arrow at halos lahat ng yun ay nasa 10 or 9. Magaling rin naman ang Khisfire Academy pero may isang sablay kasi sila kaya nanalo ang Filicy Academy.


"Mystic and Broiny. Your in...." sabi ni Host Cathan. Unang tumayo si Nicole dahil siya naman ang una.


"Remember, 9 and 10 is our goal." sabi ko kaya tumango naman siya. Tumunog na yung buzzer at yun ang signal nila para pumana na.


Napatingin naman ako sa kalaban namin at siya yung babae na humampas kay Irene ng tray kaya napahigpit naman ang hawak ko sa pana. Sabay silang pumana at parehas sila na nakakuha ng 30 points. Tatlong tries lang kasi each player.


"2nd player." sabi ng isang lalake na nagbabantay, baka kasi may daya. Tumayo na si Claire at pumalit doon sa pwesto ni Nicole.


"Good job."


"Yeah, thanks." sabi naman ni Nicole. Pinanood ko lang si Claire and sa last try niya ay nakakuha siya ng 8 but yung taga Broiny ay 9. Lamang na sila ng isa.


"It's ok Claire, you did a great job. Kami na bahala ni Samantha diyan." sabi ko kaya tumango naman siya.


"3rd player." kaya tumayo na si Samantha. Nagulat na lang kami ng biglang tumawa si Samantha at Nicole kaya nagkatinginan naman kami ni Claire.


"Gago anong tira yun?" sabi ni Samantha sabay tawa. Nung nalaman namin ni Claire ay tumawa na rin kami.


"Anyari dun?" tanong ni Claire sabay tawa. Sa unang dalawang tira kasi ng kalaban ay naka 10 points sila tapos sa last ay 4 points.


"Edi lamang na kami HAHAHAHAA!" sabi ni Samantha kaya tumawa na naman kami. Napatingin naman kami sa taga Broiny Academy na ang sama ng tingin samin.


"4th player." kaya tumayo na agad ako.


"GO WINTER!" sigaw ni Chief. Halata naman na boses niya yun.


"Ayiieee ~~ sana all chini-cheer ~~" boses ni Samantha yun halata rin.


"SUPPORTIVE BOYFRIEND BE LIKE!" sigaw naman ni Alexis kaya pasekreto naman akong ngumiti.


Nagsimula na akong mag release ng pana at yung unang dalawang tira ko ay sapul talaga sa 10 points. Hindi ko muna pinakawalan ang last arrow ko para panoorin yung kalaban and it was 10 points. Perfect lahat ang tira nila, tumingin naman siya sakin sabay ngiti ng nanghahamon. Nilabas ko na ang signature smirk ko and ibig sabihin nun ay sila lang ang nakaka-alam.


"Bring it on Bitch." sabi ko sabay bitaw sa pana.


Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya ng makita niya ang resulta ng huling tira ko.


"SHE BROKE THE LENSE!" sigaw ni Host Cathan.


"Nacucurious na ako sa babaeng to, kanina ang bilis niyang tumakbo tapos ngayon ang asintado niya?" tanong ni Host Koa. Humarap naman ako doon sa babae tsaka binigyan ng ngisi.


"Next time, know your place. Dahil wala ka talaga basta Mystic student ang kalaban mo." sabi ko. I flipped my hair sabay balik sa upuan ko.


"Congratulations Mystic Academy. Khisfire vs Broiny, fighting for 3rd place." sabi nung nagbabantay samin.


"Now, Khisfire Academy and Broiny Academy will play again for 3rd placer. Mystic and Filicy Academy will play again for 2nd placer. Ang mananalo sa Mystic vs Filicy Academy ay makakalaban ang Jade Academy for Championship." sabi ni Host Koa kaya pinanood ko lang sila na naglalaban habang hinihintay ang turn namin.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressDove le storie prendono vita. Scoprilo ora