CHAPTER 85

35 0 0
                                    

JAKE'S POV:

"BOO!"


"AAAAHHH! Mama naman eh!" sigaw ni Amara. Nahulog kasi siya sa inuupuan niya kanina kaya tumayo naman ako para tulongan siya.


"Sorry Amara, balik na kayo dun. Kakain na." sabi ni Rosé kaya tumango naman siya.


"Teka lang." tsaka nilapitan yung puno. Hinawakan naman niya ito at maya-maya ay nawala na yung mga sugat nito na gawa ng dagger.


"Saan tayo kakain?"


"Dumating si Head Agustin kasama ang anak niya. Tingnan mo dun, mukhang may fiesta." tumango naman ako. Lumapit naman ako sa kaniya tsaka niyakap ang likod niya.


"Saan---Oh Really?!" tumawa naman kami ni Rosé.


"Halika na nga." lumapit naman si Amara at pumwesto sa gitna namin.


"San tayo kakain?"


"Sa Venue, mukha ngang may fiesta dun eh." tumango naman si Amara. Napatingin naman ako sa phone niya nung may tumawag dito. Pikon ang caller id and I think alam ko na kung sino to.


"Ano na naman?!"


"Ano ba yan, pikon agad." napa-iling naman ako.


"Just say it already!"


"Tsk, san ka kakain?"


"Dito."


"Sinong kasabay mo?"


"Malay natin, baka sila Pearson."


"Hoy! Bakit sila eh pwede namang---" hindi natapos ang sinabi ni Kairon nung pinatay ni Amara ang tawag nito. Napatingin naman ako sa kaniya na nakangiti pero mga ilang segundo ay binalik na niya ang poker face niya. Nagkatinginan naman kami ni Rosé tsaka sabay na ngumiti.


"Someone is in love here~~" nabigla naman si Amara.


"No I'm not."


"Wala akong sinabing pangalan Amara." sabi naman ni Rosé.


"You just did Ma." natawa naman ako.


"Ang hirap kalaban ang pilosopo." sabay akbay kay Amara.


"Ma, mukha lang tayong magbarkada."


"Hey! I'm your Mother Amara!"


"Yeah, but not the height." sabay tawa.


"Wow. Eh kung hindi mo sout ang boots mo eh hanggang dibdib ka lang naman ni Kairon."


"I know! Hindi mo na kailangang ipaalala...." maktol niya kaya tumawa naman ako.


"Alam kong matangkad ako pero nakakainsulto ang height niya bwisit...." ginulo ko naman ang buhok niya.


"Yan din ang problema ng Mama mo noon sakin Amara, she always call me Kapre." hinampas naman ako ni Rosé.


"Huwag mo ng ipaalala sakin yun." maktol rin niya.


"Kapre? Grabe naman yun."


"Maliit naman kasi tong Mama mo, nakuha mo ata height niya."


"Hoy!/Yah!" tumawa naman ako.


"Natamaan kayo?" napasimangot naman si Amara.


Tumawa naman si Rosé tsaka pumasok na sa Venue. Mukha ngang may fiesta at nakikita ko na yung ibang student at Teacher na kumakain na.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon