CHAPTER 3:

178 4 0
                                    

WINTER POV:

Napuno ng asaran ang pag-uusap namin. Inaasar ko lang siya dahil may gusto kasi siya sa ka-grupo namin sa 'Heartbreakers'.


"Pagkatapos mong kumain magpahinga kana. Ako na ang bahalang maghugas nito. Kailangang bumalik yang lakas mo bago ka pumasok sa Academy." sabi niya tsaka kinuha na ang mga plato.


"Dito ka na muna mag stay Kuya. Bukas ka na lang umuwi. Delikado na ang daan ngayon palabas dito sa Mystic City."


"Sigi, magpahinga ka na. Dito ako hanggang Sabado. Bukas naman ibibigay ang invitation card diba?" tanong niya habang naghuhugas ng plato.


"Oo, tapos pagnakuha ko na ay kinabukasan pupunta na ako doon para kunin ang schedule at dorm number ko."


"Sasama ako sayo, ihahatid kita. Pag nakapasok ka na sa Dorm mo aalis na ko. Uuwi na, tutulongan ko pa si Dad sa mga Transaction niya."


"Di na kailangan, kaya ko naman ang sarili ko."


"Sigi na, kotse mo naman ang gamit mo. Tsaka motor mo ang gamit ko. Ihahatid ko lang ang motor mo para hindi ka na babalik dito."


"Pano naman ang Motor mo? Edi ikaw ang babalik dito?"


"Mag ta-taxi na lang ako."


"Kuya naman eh. Di mo na kailangang gumastos, kaya ko naman ang sarili ko. Sabi mo diba na tutulongan mo pa si Dad sa mga Transaction niya?"


"Ok lang naman, marami naman akong pera. Barya lang sakin yang taxi. Kailangan kitang samahan baka kung anong gawin mo sa Irene nayon." Seriously?!


"Bahala ka dyan. Sigi na Goodnight na." sabi ko tsaka hinalikan ang pisngi.


"Sigi, magpahinga ka na. Pagtatakpan ka na lang namin pag nalaman to ni Dad."


"Sigi, salamat!" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. May limang kwarto dito kaya siya na ang bahala kung saan siya matutulog.


Nagpunas lang ako saglit tsaka natulog na. Pagod na pagod talaga ako ngayon, siguro matatagalan akong gumising bukas.

(10:00 AM)

"Winter? Gising na. Malapit ng magtanghalian. Hindi ka pa naman nakakakain ng agahan. Winter?"


Nagising ako sa boses na tumatawag sakin. Tinignan ko naman ang oras sa mini table ko, kaya pala ang ingay niya 10:00 AM na pala.


"Winter? Gising ka na ba?"


"Opo, gising na po."


"Mag-ayos ka na dyan para kakain na ng tanghalian. Hindi ka pa naman kumain ng agahan."


Bumangon na agad ako at naligo na. Simpleng pambahay lang naman ang sinu-suot ko. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako.


"Goodmorning, Kuya."


"Morning rin bunso. Pupunta rin raw si Autumn, sasama raw siya bukas sa Academy." ano raw?


"Bakit? Ngayon ba siya dadating?"


"Oo, maya-maya siguro. Kumain kana, nakahanda na ang pagkain diyan."


"Bakit naman kailangan niyo pang sumama? Hindi naman ako manggugulo doon."


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now