CHAPTER 107:

24 0 0
                                    

KACE POV:

(12:00 PM)

"After niyong kumain ay maya-maya uuwi na tayo. Naka-ayos na ba ang gamit niyo?" tanong ni Nanay Rona kaya tumango naman sila.


"Ate Amara, bukas na po ba kayo uuwi?" tanong ni Victoria kaya tumango naman si Amara.


"Oo eh. Alam niyo naman, nag-aaral rin kami."


"Anong oras po?" tanong ni Cameron.


"1:00 PM." sabi ni Asher kaya tumango naman sila.


"Bibisita po kayo ah?" sabi ni Agustus kaya tumawa naman kami sabay tango.


"Oo naman pero hindi nga lang araw-araw." sabi ko kaya tumango naman sila.


"Pagkatapos niyong kumain ay magpahinga muna saglit, sa mga hindi pa nakapag-ayos sa gamit nila ay ayusin niyo na. Siguraduhin niyong wala kayong naiwan." sabi ni Nanay Rona kaya tumango naman sila.


Tumayo na yung ibang bata habang si Amara naman at Victoria ang naglinis sa mga kalat dito. Pumunta na muna ako sa kwarto ko tsaka inayos na ang gamit na dinala ko, ako na rin ang nag-ayos sa gamit ng ibang bata dito.


"Kanino to?" tanong ko sa kanila.


"Sa kaniya!"


"Yan?" turo ko sa towel na nasa gilid.


"Diba sabi ko itabi niyo ang gamit niyo sa bag niyo? Bakit andun yang towel na yan?" kinuha naman nila yun tsaka tinabi sa bag nila.


"Kaninong damit to?" tsaka tinignan sila.


"Bakit nakalagay to sa gilid ng pintuan?" napayuko naman sila.


"Yan, kaninong short yan? Bakit ang kalat dito?" nagsikilos naman agad sila.


"Ayusin niyo yan, tsaka dito niyo ilagay ang bag niyo. Sa tabi ng bag ko." tumango naman sila. Pinanood ko lang sila na nagliligpit doon at natawa naman ako nung senermonan rin ata ni Ethan ang mga bata doon.


"Kayo! Porket di ko kayo pinapagalitan ay magkakalat na kayo? Ano to? Bakit may tuwalya dito? Yan? Ano yan? Bakit nakalabas ang damit sa bag na yan? Finn! Gusto mo bang isumbong kita kay Ate Amara niyo? Kayong tatlo? Anlalaki niyo na makalat parin kayo!" tumawa naman ako.


"Buti pa kami, wala kaming sermon na nakuha. Naka-ayos kasi ang gamit namin." sabi ni Evan na hinihintay si Finn na matapos.


"Kay Agustus po yang towel na yan! Tapos kay Cameron naman tong bag nato!"


"Lagot talaga kayo kay Ate Amara niyo, ayaw pa naman niya ng makalat. Dalian niyo na yan." sabi ni Ethan.


"Tapos na po, Kuya Kace."


"Sigi na, lumabas na kayo doon." nagsilabasan na silang lahat dito.


"Wala ng maliligo! Kaya maglaro lang kayo diyan." sabi ni Amara doon habang nagcecellphone doon. Tumabi naman ako sa kaniya tsaka pinanood na naglalaro.


"I still wonder kung bakit ang galing mo sa larong yan." tumawa naman siya.


"Magaling lang talaga ako." napa-iling na lang ako.


"Party tayo."


"Huwag na, baka matalo tayo." tumawa naman si Agustus na nanonood pala.


"Diba Agustus?" sabi ni Amara kaya mas tumawa maman si Agustus.


"Bwisit tong babaeng to, hindi naman ako mahina!" tumawa naman sila.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now