CHAPTER 92:

42 0 0
                                    

SPRING'S POV:

(DECEMBER 24 AT 1:00 PM)

"Ulap! Mas maganda yung blue sayo, para naman babagay sa pangalan mo." sabi ni Winter kaya tumawa naman kami.


Andito kami sa likod ng bahay kasama yung mga pinsan namin. Ako, si Winter, si Autumn, si Storm, si Cloud at si Thunder. Si Calvin, si Channie at yung kambal naman ay nasa loob.


Balak kasi namin na magpakulay ng buhok except ni Autumn. Bawal kasi dahil nga buntis siya pero wala paring alam si Winter. Kasama namin si Tita Daisy, dahil siya naman ang magkukulay ng buhok namin.


"Grabe tong babaeng to...." sabi ni Cloud kaya tumawa naman si Tita Daisy.


"Pero seryoso, babagay yan sa buhok mo. Magpagwapo ka Cloud! Magla-live ka mamaya diba?" tumango naman si Cloud.


He's a Online streamer sa mga Online games like Roblox, Call of Duty, PUBG and many more. Sikat rin siya tsaka nag request yung mga fans niya na maglive raw siya bago mag Christmas. Nakilala na rin kami dahil pinakilala niya kami noon, si Winter na lang ang hindi. Nakakatawa lang dahil everytime na makita nila kami ay magtatanong talaga sila na 'pinsan mo si Cloud diba?'.


"Ate Autumn, hindi ka magpapakulay?"


"Hindi, ikaw?" sabay ngiti.


"Ewan ko lang, itatanong ko pa kay Grandpa. Pumayag sila Mama." sabay hawak sa buhok niya.


"Tawagan mo kaya." tumango naman siya.


Nilabas niya muna ang cellphone niya kaya napatingin naman ako sa likod ng phone niya. Bago na kasi ang phone niya, dati kasi Galaxy Z flip ngayon ay Iphone 12 Pro Max na. May keychain pa na tatlong macaron, tsaka yung casing naman niya ay transparent lang tsaka may nakalagay na litrato.


May litrato naming tatlo, sa gang, sa Ranger kasama si Irene, si Yukio, tsaka yung mga plushie niya, kami na magpipinsan, tapos kami nila Mom at Dad, tsaka may litrato rin na kasama niya sila Calvin, Lily at Mory. Tapos sina Tita Rosé, Tito Jake at yung Grandpa at Grandma niya. May litrato rin sila ni Channie, tapos meron rin na kasama yung kambal tapos sa pinakalikod naman ay silang dalawa ni Kairon na kuha raw ni Claire.


Hindi lang halata dahil natatabunan yun ng ibang picture. Para masakto yun lahat ay syempre maliliit yung picture. Napatingin naman kami sa kaniya nung sinagot na ng Grandpa ang tawag ni Winter.


"Amara, napatawag ka?"


"Grandpa, I want to dye my hair."


"Oh? Bakit sakin mo sasabihin?"


"Ano kasi, pumayag na sila Mama at Papa, at alam niyo naman po na parte ng espada ang buhok ko. Pano siya iilaw kong hindi puti?" Oo nga naman.


"You can dye your hair Amara, kung iilaw ay man ay puti parin. I also dyed my hair noon pero umilaw naman parin."


"Ok!"


"What color?"


"Surprise na yun." tumawa naman ako.


"Ok, ok, alam kong babagay yun sayo kung ano mang kulay yun." napangiti naman si Winter.


"Ok, ibababa ko na po yung tawag." tsaka binaba na yung tawag.


"Magpapakulay ako!" sabay talon.


"Ako na bahala sayo Winter." sabi ni Tita Daisy kaya kinindatan naman siya ni Winter tsaka pumasok muna sa loob.


"Magpapakulay ako~~" tumawa naman kami.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon