CHAPTER 1:

266 8 0
                                    

WINTER POV:

Nagising ako ng may tumapik sa pisngi ko. Then, I saw Mom smiling at me.

"Winter, nandito na tayo. Pumasok ka na sa room mo." sabi niya kaya lumabas na ako sa kotse at tinitigan muna ang Hotel 'ko' bago pumasok. Nasa room ko na raw ang mga gamit ko kulang na lang ayusin ito at magpahinga muna.

Pagpasok namin ay lahat ng empleyado ay naka-yukong bumabati samin.

"Magandang hapon, Ms. Winter." sabi ng isang babae, mukhang siya siguro yung manager. Tumango na lang ako dahil alam ko naman na pagtumingin ako sa kanya ay isang malamig na tingin lang ang mabibigay ko. Well, you can't blame me. Ito na ako, ang bagong ako.

"Please show Winter's room. My daughter need to rest. She's tired." sabi ni Mom.

"Follow me." kaya sinundan naman namin yung babae hanggang sa nakarating kami sa isang malaking kwarto. Pagpasok namin ay bumungad sakin ang isang magandang sala. Pumunta naman ako sa kwarto at pinagmasdan ito.

Maganda naman, Mom really knows kong ano yung mga paborito ko. Bumalik ako sa sala at nakita ko si Mom at yung babae na nag-uusap.

"Winter, iiwan na muna kita. Ok? Pupuntahan ko pa yung ibang hotels at yung resort natin dito kong maayos ba ang takbo nito. Mag pahinga ka Ok? Kahit bukas kana magpa-enroll. Remember, wala na ako sa tabi mo para alagaan ka. Kung gusto mo namang kumain, yung fridge mo puno na. Nandoon na rin yung paborito mong chocolate drink at yung mga gummies."

"Huwag mo akong kalimutang tawagan ah? Sigi na alis na ako." sabi niya sabay halik sa noo ko. Niyakap ko naman siya at hinayaan ng umalis.

Tatalikod na sana ako ng bigla naman siyang bumalik. May nakalimutan ba siya?

"I almost forgot. Here, susi yan ng Motor mo at ng Kotse mo. Na sayo lang kong saan ang gagamitin mo. Nasa parking lot yun sa VVIP area." dagdag niya at umalis na.

Nilagay ko muna ito sa mini table ng kwarto ko at humiga muna.

Time Check, 5:34 PM. Siguro bukas na ako pupunta doon. Pagkatapos kong magpa-enroll.

Medyo hindi rin naman ako inaantok. Mas mabuti pang maglibot muna ako sa Mystic City. Total, medyo hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar dito.

Kung maglilibot ako, saan naman ako pupunta? Hmm......sa Park na lang siguro.

Kinuha ko ang susi ng motor ko at yung leather jacket pati na rin ang wallet ko. Balak kong bumili muna ng milktea habang kumakain ng Fries.

Palabas na sana ako ng makita ko ang babae na papunta sa dereksyon ko.

"Saan po kayo pupunta Ms. Winter?" tanong niya.

"I just want to roam around. Hindi ako masyadong familiar sa lugar dito." I replied coldly.

"Oh, another thing. Anong itatawag ko sayo. I don't know your name." I ask coldly.

"Just call me Dianne, Ms. Winter."

"Ok, so Dianne. If dadaan dito ang kapatid ko. Sabihin mo na lang na naglilibot lang. Thanks." sabi ko kaya tumango naman siya at yumuko sakin. Dumeretso na ako sa Elevator at naghintay na makarating sa first floor.

Pagdating ko sa first floor ay deretso agad ako sa parking lot kung saan naka-park ang Motor ko.

It was so COOL! Paborito kong kulay tapos isang helmet na color Purple rin. Thanks Mom!

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now