CHAPTER 91:

30 0 0
                                    

ROSÉ' POV:

Napatingin naman ako sa cellphone ko kaya sinagot naman ito ni Jake.


"Si Kaira." sinabihan ko naman siya na ilagay sa loudspeaker para marinig ko.


"Rosé, kailangan ko anak mo." napakunot naman ang noo ko.


"Bakit?" tanong ni Jake.


"May lagnat si Kairon at sabi niya, tawagan raw si Winter dahil siya raw ang dahilan."


"Nilagnat si Kairon?" tumango naman si Jake.


"Pano napasok si Amara dito?" tanong ko.


"Ewan ko lang sa batang yun, hindi siya lalabas sa kwarto niya. Kung pwede pa lang na sirain ko yung pinto ay ginawa ko na." napa-iling naman ako.


"Sigi sasabihan ko siya, tulog pa kasi." tumawa naman siya.


"Ma!---Bakit Lily?---Hindi talaga lalabas si Kuya sa kwarto niya, kailangan na natin si Ate Winter.---Oo na, tinawagan ko na si Tita Rosé mo."


"KUYA! PAPUNTA NA RAW SI ATE WINTER!---WEH?---OO NGA!---ASAN SIYA?---PAPUNTA PA NGA DIBA?---PAKISABI NA DALIAN NIYA! BAKA MAMATAY AKO!"


"Minsan, ang oa talaga ni Kairon pag nilalagnat." tumawa naman si Kaira.


"Narinig mo yun? Dalian raw ng anak mo baka mamatay raw siya, tsaka sabihan mo na lang na dito kumain, wala pa kasing kain si Kairon." sabay tawa.


"Oo na." sabi ko sabay baba sa tawag.


Maya-maya ay napatingin naman ako kay Amara na naka-sweatpants at Hoodie at mukhang kakatapos lang maligo. Si Irene naman ay naka short at oversized tshirt. Umupo naman siya sa tabi ko tsaka kumuha ng brownies.


"Amara, puntahan mo raw si Kairon. Nilagnat kasi, tsaka ikaw raw ang dahilan." nanlaki naman ang mata niya.


"Eh? Sinabihan ko yun na uminom ng gamot ah!" napakunot naman ang noo ko.


"What do you mean?" tanong ni Jake.


"Nung party kasi di ko siya pinansin, wala lang trip ko lang. Tapos pumunta siya doon sa kwarto tsaka tinanong ako, kaya sinabi ko na joke lang yun. Nagulat na lang ako na naging Dark Blue ang mata niya tapos binalot ng ice ang kwarto ko." natawa naman ako.


"Everytime na nagiging Dark Blue ang mata niya ay lalagnatin agad siya. Ganyan rin si Kaira nung bata pa kami, well hanggang ngayon rin ata." tumango naman si Jake.


"Ngayon agad?" tumango naman ako.


"Here, ibigay mo sa kanila." sabay bigay sa Tupperware na may lamang brownies.


"Susunod kami." tumango naman siya.


"Ikaw kasi, bakit kasi di mo pinansin!" sabi ni Irene kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Amara.


"Ate! Sasama rin ako, si Lily kasi ang kagrupo sa Math. Gagawin na lang namin para wala na akong problema." sabi ni Calvin kaya tumango naman ako.


"Isama mo na lang rin yan. Palagi na lang yang nagcecellphone." sabi ni Irene kaya tumawa naman ako.


"Ikaw nga palaging ka-chat si Kuya Eli!"


"Booooom! Kapatid ko yan Irene!" tumawa naman sila Mom.


"Caaaaaalviiiiiin!" tsaka hinabol si Calvin.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now