CHAPTER 34:

36 1 0
                                    


KAIRON'S POV:

"Sobrang lalim nito. Si Kenjie lang ang makakakuha niyan." sabi ko kaya tumango naman siya.

Agad naman niyang hinubad ang damit niya tsaka tumalon papunta sa tubig. Kita namin kung pano niya kinuha ang crystal ng hindi siya nasasaktan. Nung umahon na siya sa tubig ay agad ko naman siyang hinila paitaas.

"Gaano ba kalalim yun?" tanong ni Kurt.

"Believe me, sa sobrang lalim nito hindi niyo talaga kakayanin." sabi niya.

"Diyan ka lang, kukunin ko yung bag mo sa Van." hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagsimula ng tumakbo papunta sa Van namin, syempre ginamit ko ang kapangyarihan ko. Pagdating ko doon sa Van ay agad ko itong binuksan at kinuha ang bag niya and then bumalik na.

"Magbihis ka na, lalagyan ka ng barrier ni Kurt. Nakatalikod lang kami dito kaya bilisan mo tsaka wala namang makakakita sayo." utos ko kaya tumawa naman siya.

"Tapos na, pwede na kayong humarap." kaya tinanggal na ni Kurt ang barrier.

Tiningnan namin tong Clear Quartz na to tsaka nilagay na sa bag ko. Tiningnan ko na rin muna ang oras and suprisingly 3:00 pm pa, kung makaka-alis kami ng ganitong oras ay makakabot kami sa Academy ng 6 or 7 pm.

"Babalik na ba tayo ngayon o bukas na?"

"Ngayon na/now." sabay nilang sabi.

"So balik na tayo sa Van, para pagbalik natin sa hotel ay mag aayos na tayo sa gamit natin." sabi ko.

Agad naman kaming naglakad at hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Van at sumakay na. Agad naman akong nagmaneho hanggang sa makarating kami sa Hotel.

Kanya-kanyang punta sa kwarto nila para ayusin ang gamit na dinala namin. Ako naman ay siniguradong hindi masisira tong crystal na to kaya inilagay ko na ito sa lalagyan na pinadala ni Ms. Principal samin. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay lumabas na ako tsaka diretso sa Van.

"Maybe 6 or 7 pm ay nandoon na tayo sa Academy. Depende kong traffic ba o hindi so kong gusto niyong matulog, matulog kayo."

Agad naman akong nagmaneho palayo sa hotel na tinutuluyan namin and sa wakas ay makababalik na rin kami. I also want to see Yukio and sure rin ako na makaka-abot kami sa Duel nila.

WINTER'S POV:

Kakatapos lang ng practice namin kaya nandito ako sa room namin ngayon. Pinapanood ko lang yung tatlo na naglalaro, kahapon kasi binilhan ko si Yukio ng higaan, collar, tali and also dog food at syempre laruan niya.

"Winter, diba aalis ka bukas ng gabi?" tanong ni Samantha kaya tumango naman ako.

"Isasama mo si Yukio?"

"Hindi, hindi ko siya maaasikaso dun kaya dito na lang siya. Yung pagkain niya ay naka schedule na, nandon sa fridge tignan niyo lang. Alagaan niyo siya ah, babalik naman ako." kaya tumango naman sila.

"Yukio, come here." tawag ko sa kaniya kaya agad naman siyang lumapit sakin at humiga sa tiyan ko.

"Huwag kang makulit kina Samantha at Alexis ah? Babalik naman ako eh."

"Arf! Arf!"

"Good boy!" sabay haplos sa ulo niya.

"Look, nag text si Kurt sakin. Punta raw tayo sa Garden, naghihintay raw sila doon." sabi ni Samantha sabay pakita sa phone niya.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now