CHAPTER 10:

114 3 0
                                    


WINTER POV:

Tawa lang sila ng tawa dahil sa naging reaksyon ko. Bwisit na bwisit na ako ngayon, kong di lang nandito si Channie ay matagal ko ng sinuntok ang mukha ng nakangising Chief dito.


"Huwag mo akong titigan ng ganyan, baka magdusa ka pa." dahil matigas naman ang ulo niya ay nilapit niya pa talaga ang mukha niya sakin.


Agad ko siyang inambahan ng suntok pero naka-ilag naman siya kaagad. Ngumisi naman ako ng makitang nanlaki ang mata niya.


"See? I told you, buti na lang umilag ka. Baka bali na yang panga mo pag sinuntok kita." sabay alis sa tabi niya.


Lumapit ako kay Channie na naka-upo na sa single sofa dito sa baba. Tinanggal ko na ang headset na nakakabit sa tenga niya tsaka sinabihan na sa lap ko siya uupo.


Tumayo naman agad siya at umupo sa lap ko. Niyakap ko ang likod niya tsaka kinuha ang isang headset.


Nanonood rin ako ng palabas na pinanood niya. Yung Minions, yung maliliit na ewan ko ba kong tao o alien yun basta may mga mata sila. May isang mata, may dalawang mata di ako sure kong may tatlong mata.


May sarili silang language tsaka minsan puro banana na lang ang sinasabi nila. Minsan weird din sila, akala ko nga alien sila eh.


"Channie, naiintindihan mo sila? Mukha silang alien sa totoo lang."


"Yes, I like them. They are just like that Kairon guy. He's crazy, maybe I can call him Minions. He's also like an alien to me. He's like this one." turo niya sa isang Minions na matangkad. I heard Kevin ang pangalan niya.


Nagkatinginan kami ni Channie and then tumingin kay Chief na nagtatakang nakatingin rin samin tapos bumalik na rin sa pagkakatinginan.


In 3.....


2.....


1.....


"BWAHAHAHAHA!" sabay naming tawa.


Tawa lang kami ng tawa dahil sa naisip namin. Timing rin kasi na naka-yellow siya na T-shirt tsaka naka-pantalon ng blue.


"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Tita pero hindi namin siya pinansin at tinawanan parin.


"Hoy! Anong nangyari sa inyo? Ano ang nakakatawa?"


"Eh kasi Mom siya kas--BWAHAHAHA siya BWAHAHAHAHA!" hindi na makapagsalita ng maayos si Channie dahil tawa lang siya ng tawa.


"Kasi Tita yung minions mukhang-BWAHAHAHAHA muk-BWAHAHAHAHA!" hindi na rin ako makapagsalita ng maayos dahil katulad ni Channie tawa lang din ako ng tawa.


"Kumalma nga muna kayo. Wala akong naintindihan sa sinasabi niyo."


Matagal tagal rin bago kami kumalma. Huminga muna ako ng malalim pero natatawa na naman dahil sa tawa ni Channie dito sa tabi ko.



"Kasi Tita, nanonood kami ng Minions dito sa phone ko. Suddenly, tinanong ko siya kung bakit niya nagustuhan yun eh mukha namang alien kung magsalita. Tapos sabi niya, yung minions daw na matangkad ay mukhang si Chief. I think Kevin ang pangalan." pagkatapos kong sabihin yun ay tumawa na silang lahat pati na si Channie sa tabi ko.


"Oo nga no? Kaya pala minions dahil sa sout mo Chief." sabi ni Kenjie.


"Oh my god Chief. Minions ka na pala ngayon?" tanong ni Claire sabay tawa ng malakas.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now