CHAPTER 105:

21 0 0
                                    

ETHAN'S POV:

Nagkatinginan naman kami nung may narinig kaming pagbukas ng pintuan, sinabihan ko na sa kanila na mag pretend na hindi nila alam ang nangyari. Tumayo naman ako para puntahan siya doon.


"Bakit di mo ako ginising?" naka-long sleeve siya na turtle neck kaya hindi halata ang marka ng kamay at sugat niya.


"Kailangan mong magpahinga."


"Kumain ka na, iinom ka pa ng gamot mamaya."


"Gamot na naman?"


"Makinig ka na lang, isusumbong talaga kita kay Tita." tumango na lang siya. Umupo siya sa tabi ko kaya napatingin naman sila kay Winter.


"Pano ba yan? May lagnat yung mahal na prinsesa?" sabat ni Kace tsaka nilapit ang mukha niya kay Winter. Hinampas naman siya ni Pearson kaya napasimangot naman siya.


"Seloso nga naman...." tumawa naman si Winter.


"Nga pala, uminom ka ng gamot?" tanong ni Asher tsaka hinawakan ang kamay ni Winter kaya hinampas ko naman ito.


"Hmm, mamaya ulit ako iinom." sabi niya.


"Ok ka lang? Sabihin ko kaya kina Tita?" sabi ni Pearson.


"Ayokong mag-alala sila tsaka busy si Mama tsaka may klase pa si Papa." nagkatinginan naman kami. Umiling na lang ako kaya tumango naman siya.


"Ok ka lang ba talaga hija? Kung gusto mong umuwi pwede naman." sabi ni Nanay Rona.


"Ok lang naman ako, lagnat lang to si Amara ako." tumawa naman ako. Tinatago niya talaga....


"Nga pala, mamayang 11:00 pupunta tayo sa isang Beach resort. Yung magulang mo ang nagpareserve nun hanggang bukas, sabi niya dapat magenjoy raw yung mga bata dito. Yung sasakyan na gagamitin natin ay dadating mamaya, tatlong Van." sabi ni Nanay Rona kaya nagulat naman kami nung napa-yes sila doon.


"Pero pano po yung pagkain Manang?" tanong ni Winter.


"Idedeliver mamaya, limang pagkain pa nga yun lahat." tumango naman kami.


"Tao po...." kita ko naman na nanlaki ang mata ni Winter tsaka tumingin sakin.


"S-sinabi mo?" nag-iwas naman ako ng tingin.


"S-sorry....para rin naman yan sayo...." tsaka lumapit doon. Dumating na kasi ang magulang niya.


"I can't believe it...." rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin.


"Tita...." Oh? Sumama pala siya?


"Asan siya?" tanong ni Tita Rosé.


"Amara hija, puntahan mo ang magulang mo. Alam na namin yung nangyari...." sabi ni Nanay Rona. Pagtayo niya ay nagkatinginan naman kami kaya ako na lang yung nag-iwas ng tingin.


"A-amara...." tsaka niyakap agad siya.


"Are you ok? Let me see...."


"About what?" napa-iling na lang ako.


"Amara naman, hindi ako nakatulog nung maayos nung tinawagan ni Ethan ang Papa mo. Sila Irene ay nag-aalala na rin...."


"How did they know?" yan yung tono na ayaw kong marinig....


"Sinabi ko." sabat ni Kairon na ang seryoso rin ng mukha.


"Bakit mo sinabi?" hinawakan niya ang kamay ni Winter tsaka hinila ito palabas. Inalalayan naman ni Tito si Tita na mukhang matutumba na.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon