CHAPTER 24:

57 1 0
                                    


KAIRON'S POV:

"Bakit mo sinabi kay Mama?"


"Hoy Kairon. Hindi ako mahilig magsinungaling." sabi niya.


"Asan ang Chief?"


"Wala tayo sa Academy, kaya pangalan lang ang itatawag ko sayo."


"Ok lang naman pero dapat di ka lalayo sakin."


"Walang epekto dito ang punishment mo, wala tayo sa Academy." tsaka tumawa.


"Edi ikakalat ko dito na tayo na." kaya nanlaki naman ang mata niya.


"Sabi ko nga, susunod ako." tsaka inirapan ako. Aalis na sana siya pero hinawakan ko agad ang kamay niya.


"Saan ka pupunta?"


"Kina Kuya, bitawan mo nga ako. Kanina lang siya nakatingin satin." sabi niya kaya binitawan ko na lang siya. Tumawa na lang ako dahil tinaasan siya ng kilay ng Kuya niya kaya tinuro naman niya ako.


"Kukuha ako ng pagkain tapos share na tayo ng plato tsaka tabi tayo ah. Doon oh." turo ko sa table nina Claire kaya tumango naman siya.


Iniwan ko muna siya tsaka kumuha na muna ng pagkain. Gusto ko share lang kami ng plato pero hindi yung gagamiting kutsara baka masuntok ako nun. Dessert lang ang kinuha ko ngayon dahil alam ko naman na hindi siya gutom.


Habang naglalagay ako ng pagkain sa plato ko ay may tumabi sakin kaya hinarap ko naman ito. Si Papa lang pala, kumukuha lang rin ng pagkain.


"She's Winter, right?" kaya tumango naman ako.


"Gusto mo siya no?" tanong ni Papa kaya tumango ako habang nahihiyang tumingin sa kaniya.


"Siya ba yung babae na palagi mong sinusundan sa Mortal Realm?" kaya tumango naman ako.


"Binata na talaga anak ko!" kaya tumawa naman ako.


"Kailan mo popormahan yun?"


"Hindi ko pa ginagawa yun, Pa." kaya napatingin naman siya sakin.


"Bakit hindi pa?! Weak ka naman eh. Yung Mama mo? Pinormahan ko agad." kaya tumawa naman ako.


"Hindi ko nga siya pinopormahan, pero binakuran ko na Pa. Wala nang aagaw kay Winter sakin." kaya ngumiti naman siya ng malawak.


"Grabe! Anak nga talaga kita!" sabay yakap sakin.


"Nga pala Pa, asan si Lily? Hindi ko siya nakita? Alam kong magugustuhan niya si Winter."


"Nandoon sa Garden, nasa duyan niya. Samahan mo na siya doon, kanina ka lang hinihintay nun." kaya umalis na ako tsaka lumapit kay Winter. Sinabihan ko na rin siya na sundan ako kaya sumunod naman siya sakin.


"San tayo pupunta?"


"Sa Garden, nandun kasi yung kapatid ko. Alam kong magkakasundo kayo." kaya tumango na lang siya. Pagdating namin sa garden ay nakita ko siyang nasa duyan niya habang may nakalatag naman na tela sa sahig nito.


"KUYA!" sigaw niya tsaka yumakap sakin. Hindi ko masagot ang yakap niya dahil may dala kasi akong pagkain. Tumingin naman siya kay Winter tsaka nilapitan ito.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon