CHAPTER 35:

36 1 0
                                    


WINTER'S POV:

"Makakalaban ka ba niyan? Katelynn already know your weak spot which is your arm kung saan nandoon ang sugat mo."

"Oo nga Samantha, tsaka anong akala niyo sakin talunan?"

"Alam namin na hindi ka talunan, pero Winter may sugat ka at sabi mo uuwi ka mamaya anong sasabihin mo sa pamilya mo doon?"

"Hindi nila mapapansin yun."

"Tigas talaga ng ulo mo, sigi na nga. Nandyan na ba si Irene?"

"Wala pa, pero sabi niya paparating na raw siya."

Nandito na kami sa Arena ni Samantha, wala si Alexis dahil may binili pa siya kasama sila Claire. Si Irene na lang ang hinihintay ko para makapagsimula na kami.

"Tagal naman ng kasama mo. Is she a chicken?" sabi ni Katelynn kaya inirapan ko na lang siya. Ngayon ko lang nalaman na si Nicole pala ang kasama niya.

"Kong isa man akong manok yung high class, hindi yung low class na kagaya mo." kaya napatingin naman ako kay Irene na kakarating lang.

"Ang tagal mo naman! Ano bang ginagawa mo?"

"Nakatulog ako eh. By the way, thank you sa chocolate ah."

"Tsk....tsk....tsk....you're welcome. Physical combat lang ang gagawin natin but also kailangan nating bantayan si Nicole dahil healing pala ang kapangyarihan ng bwisit na yun. Ibibigay ko na si Nicole sayo, sakin na si Katelynn. Ako na ang bahalang gumulpi nun."

"Sure! Mag-ingat ka ah, sugat mo ang target ni Katelynn ngayon." kaya tumango naman ako.

Marami ng students ang nanonood ngayon dito sa Arena, karamihan sa kanila ay mga kaklase ko.

"We're ready." sabi ko kaya ngumiti naman si Irene sakin.

"Ok ang unang matutumba ay talo, ano game?"

"Game." sabay naming sabi ni Irene.

"Duel begins in 3....2....1....Go!" sigaw ng mga students. Sila kasi ang cue namin pag may duel na magaganap.

Unang umatake si Katelynn sakin and Irene is right, sugat ko ang target niya but sadly hindi ako tanga para mahalata yun. So bago niya masipa ang braso ko ay agad ko siyang sinipa sa tiyan ng dalawang beses kaya agad naman siyang napa-atras. Agad ko naman siyang inatake at ginamit ko ang bilis ko, naglabas ako ng sipa at suntok at the same time.

May iba sa atake ko na nasangga niya pero halos lahat ng yun ay tumama sa kaniya. Kita kong malapit na siyang matumba pero agad naman niyang na balance ang sarili niya.

"Argh! You will gonna pay for this bitch!"

"Magkano? A million? Handa akong bigyan ka ng ganung halaga."

"Hindi ko kailangan ang pera mo!" sabay suntok sakin pero naiwasan ko naman agad ito tsaka sinuntok siya. Gago! Ang tigas naman pala ng mukha niya.

"Oh? Ano? Hanggang diyan lang ba ang kaya mo? Oh come on, you're no fun! Ang boring mong kalaban." sabay sipa sa dibdib niya kaya napaluhod naman siya.

Hinintay ko siyang tumayo pero nakaluhod parin siya ngayon, nabigla na lang ako dahil bigla siyang naglabas ng kapangyarihan. Bwisit! Acid naman pala ang power nitong kupal na to!

"Acid Rain." sambit niya sabay ngisi sakin. Agad naman akong nagteleport sa tabi ni Irene tsaka bumuo ng isang barrier.

---

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now