CHAPTER 79:

33 1 0
                                    

WINTER'S POV:

"Ano ba yan? Kayo yung nanghamon tapos kayo yung talo?" tumawa naman sila Iris at Lilou.


"Nakakapikon ka rin Amara no?" sabi ni Kace kaya tumawa naman si Asher.


"Sabi ko diba huwag si Amara? Ayan kasi matigas ulo." tumawa naman kami.


"Malay ko ba na magaling pala siya dito." tumawa na naman kami. Natalo ko kasi si Ethan, Pearson at Kace. Sa rematch naman namin ni Chief ay ako yung talo, siya rin kasi ang daya kinukulit ako. Yung bola na dapat masho-shoot ay hindi masho-shoot dahil tinutulak niya ako.


"Buti pa ako nanalo." sabi ni Chief.


"Andaya mo kaya!" tumawa lang siya.


"Sino bang nagturo sayo ah? Ipapatulfo ko lang bwisit." sabi ni Kace kaya tumawa na naman kami.


"Kuya ko."


"Gusto kong manalo! T*ng*na, ano ba kasing laro ang hindi ka magaling!" sigaw niya.


"Manigas ka ulol." tsaka tumawa na naman.


"Eh volleyball alam mo?" tanong ni Ethan.


"Marunong ako pero hindi ako magaling. Nasasaktan parin ako everytime na narerecieve ko yung bola."


"Amara, sayo na yan. Wala na akong kilalang tao na gusto ng ganyan." sabi ni Pearson sabay hagis ng plushie.


"Seryoso? Akin na to?"


"Hmm, wala naman akong kapatid." tumango naman ako. Ang cute pa naman nito.


"Thank you. Grabe apat na lahat, may kapatid na si Kuma!" tumawa naman si Chief.


"Sino si Kuma?" tanong ni Pearson.


"Siya yung unang plushie ko."


"Bigay ko yun sa kaniya nung lumabas kami." sabi ni Chief kaya napatingin naman sa kaniya si Pearson.


"Binibigyan mo pala ng pangalan niyan? I mean magtataka pa ba ako?" tanong ni Ethan kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.


"May isang aso, dalawang pusa at isang rhino. Mamaya ko na sila bigyan ng pangalan."


"Nakakapagod rin palang maglaro." sabi ni Iris.


"Pagod? Eh Archery lang kaya ang ginawa mo kaya nakuha mo yung pusa na kulay puti." sabi ni Lilou.


"Napagod yan kakadaldal." hinampas naman niya ako ng plushie niya.


"Akin na nga lang yan, kawawa yung plushie sayo eh. Kanina mo lang yan ginugulpi." tumawa naman siya.


"May tatlo kana oi!"


"Oh? Yung dalawa, hindi parin tapos?" tanong ni Lilou habang nakaturo kay Audree at Briella.


"Hayaan muna, hindi pa siguro sila pagod."


"Ok kids, tawag na kayo ng mga magulang niyo. Uuwi na kayo, kailangan niyo ring magpahinga para bukas." sabi ni Mr. Agustin na lumapit sa samin. Tinawag na rin niya yung dalawa at sabay ng naglakad paalis.


"Sa susunod tatalunin kita, humanda ka lang." sabi ni Ethan sakin kaya napatawa naman ako.


"Pikon ka? Iyak ka na!" tumawa naman sila ng malakas.


"Laki ka ba sa kanto ah?!"


"No, lumaki ako sa isang Mansyon." ginulo naman niya ang buhok ko.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now