CHAPTER 55:

47 3 0
                                    


WINTER'S POV:

(FRIDAY AT 9:00 PM)

Sa loob ng isang linggo dito sa Academy ay maganda naman ang stay namin dito. Dahil sa ginawa ni Ms. Andrea ay medyo magkasundo na kami doon sa classroom. Medyo close na rin kami ni Iris tsaka yung ibang kaklase niya pero si Katelynn ay ganun parin, mas lumala lang ngayon.


Sabi niya ang plastic ko raw dahil ang pinsan niya ay napa-ikot ko raw. A manipulative bitch sabi nga niya edi bahala siya kung ganun ang tawag niya sakin. Si Ms. Bellatrix naman ay ayun nilipat sa ibang class dahil doon sa ginawa niya.


So far, masasabi ko na masaya talaga ang stay namin dito. Andito ako sa rooftop ng girls dormitory, hindi kasi kami nakatira sa iisang bubong kaya sabay kami na kumakain sa cafeteria every dinner time. Sa isang room ay kami ni Claire ang magkasama tsaka katabi naman namin yung dalawa.


Si Yukio naman ay miss ko na ngayon, hindi kasi ako sanay na malayo sa kaniya ng ganito katagal. Sanay kasi ako na katabi ko yung asong yun everytime na matutulog ako. Kinuha ko muna yung phone ko tsaka sinagot ang tawag ko.


"Yes?"


"Ate! Sem-break na! Anong gagawin natin?" Oo nga pala, di ko pa nasabi.


"Gusto mo bang maligo ng pool?"


"Oo naman! Pero asan?"


"Sa resort ko...."


"Resort mo?!" kaya natawa naman ako.


"Oo, yung pinakamahal na resort dito sa Mystic City."


"Gago! Ang yaman mo talaga Ate!"


"No cursing...."


"Sorry Ate, kailan tayo pupunta doon?"


"Sa Monday, 3 days tayo dun at kasama natin ang mga kaibigan ko."


"Hindi ba sila magagalit? Yung mga magulang mo?"


"Hindi naman, pwede naman tayo dun."


"Ate, isasama ko sana si Mory...."


"Edi isama mo, wala namang problema sakin."


"Talaga?"


"Oo naman, para mag enjoy ka dun. Pupuntahan kita bukas ok?"


"Sigi po pero pagkatapos natin doon?"


"Punta tayo sa Mortal Realm."


"Ok ok."


"Kamusta si Yukio diyan?"


"Ok lang naman, tabi nga kaming natulog eh."


"Malapit na ang bedtime mo, sigi na matulog kana."


"Ok. Goodnight Ate Winter."


"Goodnight Cal." sabay baba sa tawag.


"Kapatid mo?" kaya napatingin naman ako sa kaniya.

---

IRIS POV:

"Kapatid mo?" kaya tumingin naman siya sakin.


"Ah Oo."


"Akala ko tatlo lang kayo?"


"Kapatid ko siya sa unang pamilya na umampon sakin." kaya tumabi naman ako sa kaniya.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now