CHAPTER 21:

65 1 0
                                    


WINTER'S POV:

Nung tumunog na ang bell ay lumabas na kami sa cafeteria at humiwalay muna sa kanila. Dala namin ang box para ibigay kay Ms. Principal. Katabi ko ngayon si Chief na tahimik na naglalakad.


Pagdating namin sa Office ni Ms. Principal ay kumatok agad ako. Maya-maya ay may narinig kami na 'come in' kaya pumasok na kami. Nakita ko si Ms. Principal na busy sa ginagawa niya, ewan ko lang kong ano....


"Ms. Principal? Natapos napo namin yung pinapagawa niyo. Saan po namin ilalagay to?" sabi ko. Napatingin naman siya sakin tsaka ngumiti.


"Diyan lang sa table Winter. Thank you for helping me Winter and Kairon. Pwede na kayong bumalik sa room niyo. If the teachers ask you kung bakit yan ang sout niyo sabihin niyo na lang na pinayagan ko kayo, OK?" sabi niya.


Tumango na kami ni Chief tsaka nagpaalam na sa kaniya. Deretso na agad kami sa building namin tsaka umakyat na papunta sa room namin. Pagdating namin sa room ay nakita ko ang isang Teacher na nagtuturo about ESP.


Argh! I really hate this subject, plastikan lang naman ang ginagawa ko dito. Kumatok kami ni Chief sa pintuan kaya napatingin naman silang lahat samin. Pinapasok na kami ng Teacher ngayon kaya umupo na kami sa upuan namin.


"Bakit late kayo ng 10 minutes sa klase ko?" tanong samin ng Teacher. Sinagot naman siya ni Chief tsaka tumango na. Lumingon naman siya sakin tsaka tinarayan ako.


Syempre dahil ako si Winter, tinarayan ko rin siya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi na hindi niya ako gusto. Well, the feeling is mutual, Ms.


"You're Windellyn Terrisha Perez, tama ba ako?" Obviously.


"Yes, Ms." sagot ko. Pinilit kong maging kalmado dahil baka mapatulan ko to ng wala sa oras.


"I think babagsag ka na sakin dahil diyan sa ugali mo. By the way, I'm Phoebe Bautista. Your EsP Teacher." Bautista?


"Yes, I'm Nicole's Tita and pamangkin ko siya. You know what? I was embarrassed nung nalaman kong estudyante kita. Baka akala nila hindi kita naturuan ng maayos." is she testing me?


"For your information, Ms. Bautista. Hindi ako ang nagsimula sa gulo, yung pamangkin mo. Also, dapat ka naman talagang mahiya dahil EsP Teacher ka. Tuturuan mo dapat yang pamangkin mo ng mabuting-asal, hindi yung kinakampihan mo ang pamangkin mo sa maling gawain niya. How ironic, tatanungin nga kita, tama ba ang ginawa ng pamangkin mo sakin?" sabi ko and look at her seriously.


Nakita ko ang pagkabigla niya pero agad naman niyang inalis yun. Akala niya siguro di ko siya papatulan. Kahit pa sino ka, basta't alam kong tama ako, bakit naman ako mahihiyang ipaglaban ang sarili ko?


"Should I put 65 on your report card? You have no manners." Go ahead! I'm not afraid.


"And the reason is?"


"Alam mo na dapat yun." talaga?


"Sorry, Ms. Di ko alam eh, dapat alam mo. Your the Teacher, alam mo dapat lahat." and smirk. Nakita ko na ang galit sa mukha niya dahil sa sinabi ko. May gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang magsalita.


"Speechless? Alam mo kasi Ms. bago mo ako bigyan ng 65, siguraduhin mong deserve ko yun. I'm just saying na nageexplain lang ako sa part ko na hindi ko kasalanan yon and there you are, pinipilit na ako ang may kasalanan. Sigi ilagay natin na ako ang may kasalanan, kulang pa yong pasa sa mukha non pag ako nambully. Are you really a Teacher? Dahil sa pagkaka-alam ko, ang isang guro ay tinuturuan ang estudyante, lalo na kung EsP Teacher ka. Ang laking insulto lang na Teacher pa talaga ang kumampi sa maling gawain. It's a big bullshit!" sabi ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko by clenching my fist.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressOnde histórias criam vida. Descubra agora