CHAPTER 26:

48 1 0
                                    


WINTER'S POV:

Nakita ko ang isang lalake na nakangisi lang sakin, stay calm Winter. Just act na hindi mo siya kilala and you should welcome them at never mo silang patulan. Kahit labag sa kalooban ko ay nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya, asking for a shakes-hand.


"Asher Taylor Aquino, Ace of Jade's Academy." sabay hawak sa kamay ko, bibitaw na sana ako pero agad naman niya akong hinila palapit sa kaniya. Rinig ko ang singhapan ng mga students dahil sa ginawa niya, pilit ko rin siyang tinutulak pero mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko. T*ng*na this.....


"Nice meeting you again, Ms. Beautiful. Ang ganda mo ngayon, lalo na pag nagseryoso ka." bulong niya sakin kaya tinulak ko na talaga siya, yung sobrang lakas kaya napa-atras siya, letse tong lalakeng to!


"And strong, I like it." sabi niya sabay ngisi na naman sakin. Ang sarap suntukin sa mukha nitong lalakeng to! Buti na lang may tawad ako pagdating sa mga pangit, tsk.


"Respeto naman sa Presidente namin Pre. Hindi ka niya gusto kaya mas mabuting layuan mo na yan. Mataas pa ang pila." sabi ni Eli sabay harang ng katawan niya sa harapan ko.


"Hayaan muna Eli. Jade's Students, please follow me." sabi ko kaya kita ko naman na sumunod sila. Pagdating namin doon sa area nila ay huminto na kami.


"Please be seated while waiting for the teacher to arrive." sabi ko kaya nakita ko naman silang umupo na. Tinignan ko muna sila kung maayos na ba silang naka-upo at bumalik na sa harapan.


May tatlong table kasi na nakalagay at may nakalagay ring President's desk tapos katabi nito ay ang Section namin. Nasa gitna nakalagay yung sakin tapos sa left side ko si Eli at sa right side naman si Gemma. Nakasandal lang ang likod ko sa table nito tsaka hinarap yung students.


"Everyone listen! You can do whatever you want but walang tatayo at lalabas dito sa Gym. May sariling comfort room ang Gym kaya walang kayong dahilan para lumbas. Pwede na kayong mag-ingay but minimize your voice, hindi yung mukhang nasa palengke tayo. Understand?" sabi ko.


"Yes President!" sabi nilang lahat. Tumango naman ako habang pinagmamasdan silang lahat na masayang nag-uusap.


Nakakapagod! Kaya nga ayaw kong maging Presidente, nakakatamad! Mas maganda pa sigurong matulog, makaka-ipon pa ako ng muta letse!


Maya-maya ay may lumapit sakin sabay bigay ng Chuckie, nag-angat naman ako ng tingin kaya nakita ko si Chief sa harapan ko. Kinuha ko na lang yung Chuckie na binigay niya sakin tsaka ininom na.


"You look tired....." sabi niya.


"Hindi ako mukhang pagod, pagod talaga ako letse!" kaya tumawa naman siya.


"Ang lakas ng sigaw mo kanina, muntikan ng tumalon si Kenjie at Claire na nagbabangayan doon. Pati nga sila ay natahimik dahil sa sigaw mo."


"Ang ingay nila grabe! Nakakasakit ng ulo!"


"Ano nga pala ang binulong ng lalake na yun?" tanong niya. It was obvious na yung lalake na yun ang tinutukoy niya.


"Maganda raw ako which is true." simpleng sagot ko.


"Anung pangalan nun? Nakakapagtaka lang dahil alam niya yung sakin pero yung sa kaniya di ko alam."


"Asher Taylor Aquino, Ace of Jade's Academy."


"Kaya pala, nakaka-insulto siyang umasta." inis na bulong niya. Maya-maya ay may pumasok na tatlong teacher at kasama na doon si Ms. Flores.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest Heiressजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें