CHAPTER 23:

52 1 0
                                    


KAIRON'S POV:

Pagpasok namin sa loob ng milktea shop ay naghanap agad kami ng pwesto. Tinanong ko siya kung anong flavor ng milktea ang gusto niya. Chocolate lang pala tsaka Large fries, iniwan ko muna siya doon dahil ako na ang mag-oorder ng kakainin namin, tutal libre ko naman ngayon.

Pagdating ko sa counter ay agad ko namang sinabi ang order ko tsaka binayaran na rin. Pabalik na ako sa table namin ng may nakita akong lalake, nakikipag-usap kay Winter kaya nilapitan ko naman sila. Nang makita ako ng lalake ay sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Siya yung kasama mo?" turo ng lalake sakin.

"Yes, any problem with that?" sagot ni Winter.

"Kuya mo?" T*ng*na kuya na naman?!

"She's my girlfriend, she's taken so back off." sabi ko.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko brad." Aba! Susuntukin na ba kita? Letse ka!

"He's my boyfriend and also he's territorial kaya mas mabuting umalis ka na baka uuwi kang giniginaw sa bahay niyo." sabi ni Winter kaya napa-smirk na lang ako sa kaniya.

"Ok aalis na lang ako, nice meeting you again." tsaka umalis na. Umupo na ako doon sa pwesto ko tsaka ngumiti kay Winter.

"Bwisit na lalakeng yun, he's so annoying." bulong niya.

"Ano palang ginagawa ng lalake na yun dito?" tanong ko.

"She wants to get my number, sabi niya hindi raw siya aalis hangga't hindi niya raw nakukuha ang number ko." sabi niya.

"Buti na lang nakisabay ka kanina akala ko pa naman babarahin mo ako."

"I need too para umalis na yun. Ang ingay niya." kaya tumawa na lang ako. Maya-maya ay dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay hindi naman mawawala ang kwentuhan minsan ang tawanan namin. Akala siguro ng ibang tao ay kami na pero hindi 'pa' naman.

"Bukas ah, susunduin rin kita sa labas ng building niyo. Sabay na tayong pupunta sa bahay." sabi ko.

"Sure." sabi niya kaya syempre ngumiti naman ako.

"Ipakilala kita kay Mama." kaya napatingin naman siya sakin.

"Para saan?"

"Future girlfriend ko." sabi ko. Nanliit naman yung mga mata niya habang nakatingin sakin.

"Joke lang, wala lang naman. Siguradong magtataka kasi yun kong bakit may kasama akong babae." kaya tumango naman siya. Habang kumakain siya ay palihim ko naman siyang kinuhaan ng picture buti na lang talaga ay di niya napansin.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami doon tsaka pumunta muna sa grocery store. May bibilhin raw kasi siya para kina Alexis at Samantha. Kumuha muna si Winter ng maliit na shopping cart tsaka nilagay muna ang plushie doon.

Nakakatawa lang dahil nagmumukhang anak namin yun plushie, kinuha ko sa kaniya yung cart para ako na ang tutulak nito. Sinusundan ko lang siya na papunta sa mga junk foods, kumuha siya ng apat na malalaking junkfoods tsaka pumunta na doon sa mga inumin.

Habang papunta kami doon ay may nakita kaming batang babae na umiiyak sa gilid, agad naman naming nilapitan yung bata tsaka kinausap ni Winter.

"Hey, sweetie. What happened? Why are you crying?" sabi naman ni Winter. Ang galing niya talaga pagdating sa bata.

"Hindi ko po makita si Lola, hindi ko alam kong asan na siya." sabi nung bata.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now