CHAPTER 96:

36 1 0
                                    

KAIRON'S POV:

(12:00 AM | 26th DECEMBER)

"Sure ka bang aalis ka na doon? Ibibigay mo na ang posisyon mo?"


"Hmm. Why?"


"Pwede ka namang mag stay ah? Diba ok lang naman kina Tita-Ninang?"


"Ayokong mag-isa doon tsaka nakakasawa na rin ang pagiging brutal, hindi naman talaga kami aalis. Ilalagay naman kami ni Lord Bingo sa punishing team. Sayang raw kasi kami." habang inaayos ang kulay black na wig which means signing off.


Tumingin na rin ako sa kaniya na inaayos ang boots, hindi ko gusto ang suot niya ngayon, masyadong halata ang kurba ng katawan niya pero wala akong magagawa. Napatingin naman ako sa salamin kong saan nakikita ko ang mukha niya na busy kakaayos sa damit niya. Andito kasi kami sa headquarter nila, aalis na kasi sila sa pagiging gangster dahil kay Ate Autumn na buntis pala ngayon.


Pinilit ko lang siya na isama ako, which is ayaw niya pero ok lang daw sabi ni Mama, Tita-Ninang at Tita Sandra kaya pumayag siya. Gustong sumama ni Ate Autumn pero pinagbawalan siya ni Winter, kaya si Blue na lang. Tumayo naman ako tsaka niyakap siya sa likod.


"You should not wear tight clothes, halata masyado ang kurba mo." bulong ko.


"Ito naman ang sinusuot ko, himala lang di mo napansin...." she's letting me hug her kaya napangiti naman ako.


"Winter! Aalis na tayo!" boses ata yun ni Paul.


"Coming!"


"Here, use this." sabay bigay ng black na cap at black rin na facemask. Sinuot ko naman yun tsaka nilapit ang mukha ko sa kaniya.


"Ahmmm....what are you doing?" pero hinalikan ko lang siya. We didn't kiss actually dahil may facemask naman ako.


"Gago ka!" tumawa naman ako. Kinuha na niya ang maskara niya tsaka lumabas na.


"Tara na." sabi ni Kuya Spring kaya tumango naman kami. Sumakay na kami sa Van nila at nagsimula ng magmaneho.


"Queen, sure ka na ba?" tanong ni Ate Luna.


Ngayon ko lang na-realize na pagdating sa G.S si Winter ang masusunod pero sa normal lang na buhay niya ay sumusunod siya sa Kuya at Ate niya. Maya-maya ay huminto na ang sinasakyan namin at napatingin naman ako sa kanila na sinuot na ang maskara.


"Tara na." tumango naman sila. Unang lumabas sila Ate Luna at Kuya Spring, sunod si Marlin at Carolina, sunod si Paul at Blue and lastly kami.


"Ayusin mo ang cap mo, kailangan walang makakakilala sayo dito."


"Pano?" gusto ko lang na siya yung mag-ayos. Inayos naman niya ito kaya napangiti naman ako. Napatingin naman ako kina Kuya Spring na nakangiti lang samin.


"Done...." tsaka tumango kay Kuya Spring. Naglakad na kami papasok at laking gulat ko ng makita na halos nagpapatayan na sila dito pero sila Winter ay kalmado lang. How come kalmado parin siya?


"Queen." tawag ni Blue kaya napa-iling na lang kami.


Kinuha naman niya yung baril na binigay ni Blue tsaka pinutok ng tatlong beses, nagulat rin ako nung lahat sila ay huminto tsaka mukhang kinakabahan nung makita nila si Winter.


"All of you will die if this place isn't clean for 10 seconds. 10...." nagsikilos naman silang lahat.


Napatingin naman ako sa isang table na lalake lahat ang nakaupo, nakatingin lang sila kay Winter or more on sa katawan niya. Lumapit naman ako kay Winter tsaka hinawakan ang bewang niya, tumingin ako sa kanila tsaka sinamaan ng tingin. Sa kabilang banda naman ay andun ang Black Demons, ang grupo ni Audree na nakatingin samin.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now