CHAPTER 20:

71 2 0
                                    


KAIRON'S POV:

Habang papunta na kami sa area ng mga Grade 7 Class A ay nakatingin lang ako minsan sa kaniya. Hindi naman mabigat tong dala ko kaya hindi ako nahirapang buhatin.


Tumabi ako sa kaniya tsaka sinadyang banggain ang balikat niya. Habang ginagawa ko yun ay hindi niya parin ako pinapansin. Ano ba yan! Pansinin mo naman ako oh!


"Anong kailangan mo?" sa wakas!


"Yung kanina kay Irene, bati na kayo?" kaya humarap naman siya sakin.


"Hindi ko masasabing bati na kami pero I can say na ayos naman kami. Why? Akala mo siguro gugulpihin ko siya no?" sabi niya.


"Hindi, alam ko naman na hindi mo yon gagawin."


"Talaga? Pwedeng kitang gulpihin ngayon." kaya nabigla naman ako sa sinabi niya.


Tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko. Alam mo yong feeling na gusto mong magalit dahil naaasar ka pero hindi mo magawang magalit sa kaniya. She's to precious to me, hindi ko na iniwas ang tingin ko sa kaniya na tumatawa pa hanggang ngayon.


"Alam mo? Na-ooffend ako doon pero hindi ko magawang magalit sayo." sabi ko.

"Talaga? Dahil ba masyadong cute ako sa paningin mo?" sabay pa cute.


Umiwas naman ako ng tingin dahil sa ginawa niya. Bwisit! Ang cute niya! Kung di ko lang siguro hawak ang box na to ay kinurot ko na ang pisngi nito.


"Waaah! Namumula ka! So totoo nga!" sabi niya.


"Hindi kaya ako namumula!" depensa ko.


"HAHA! Namumula ka Chief!"


"Sabing hindi eh." kunwari seryoso.


"Hindi mo ako mauuto Chief! So cute talaga ako? Aminin mo na! Nahiya ka pa. Cute talaga ako?" sabi niya.


Bwisit! Bakit ba kasi hindi ko kayang magalit sa kaniya. Hindi rin siya na-aapektuhan sa pagiging seryoso ko tapos hindi rin ako maka-poker face pagkasama ko siya.


"Tumahimik ka na nga!"


"Seryoso seryoso pero ngingiti rin naman. So cute talaga ako para sayo? You can't handle it diba? HAHAHA ang cute ko talaga!" sabi niya.


Hindi ko na lang siya pinatulan dahil alam ko naman na aasarin lang niya ako. Kasi naman eh, ang cute niya lalo na ang tawa niya.


Pagdating namin sa Section 1 ay kumatok muna kami sa pintuan. Actually, hindi siya nakaclose kakatukin ko lang para makuha ang atensyon ng Teacher.


"Oh? Mr. Castro and Ms. Perez right?" kaya tumango naman si Winter.


"Do you need anything?" sabi ng Teacher.


"Manghihingi po sana kami ng konting oras dahil po dito, ok lang po ba?" sabi ni Winter sabay bigay ng letter.


Binasa muna ito ng Teacher tsaka tumango samin. Pinapasok niya muna kami kaya nilagay na namin ang box sa table na nasa harapan nila.


"Everyone, inutusan kami ng Principal para sa form na to. It's only for the transferee, so tutal lahat naman kayo ay isang transferee so you need to fill-up this form. Kung may hindi kayo naintindihan dito, huwag kayong mahiya na lumapit samin." sabi niya.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now