CHAPTER 11:

102 3 0
                                    


WINTER POV:

Pagkatapos kong Itext si Ate Autumn ay nilagay ko na ang phone ko sa dala kong bag tsaka kukunin na sana ang grocery bag pero hawak na ito ng mga lalake.

"Huh? Kaya naman naming dalhin yan. Hindi na kailangan ng tulong niyo."

"Sinabi rin namin yan kanina Winter. But they insist." sabi ni Samantha kaya tumango naman si Alexis.

Tinignan ko si Chief na may dala ring grocery bag.

"Bahala kayo, mapilit kayo eh." tsaka naglakad na.

Pumasok agad kami sa elevator, buti na lang sakto kaming walo. Nag ring na naman ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot agad. Walang tingin-tingin sa pangalan kung sino ang tumawag.

"Yes?"

"Hoy Taglamig!"

"Ano ba!? Bakit ka ba sumisigaw?!"

"Anong sabi ni Tagsibol na may ka holding-hands ka daw? Aba! Kailan ka pa natutong lumandi ah? Taglamig?"

"Tumahimik ka nga, ako pa talaga ang lumandi? Subukan mo kayang landiin si Ate baka sakaling pansinin ka niya."

"Ang sakit mo namang magsalita Taglamig. Sa susunod ko na lalandiin ang Ate mo kung pwede nga anakan ko agad." my eyes widen dahil sa sinabi niya.

"Anakan mo, tingnan natin kong kaninong buto ang mababali once na ginawa mo yan. And also, pwede ba? Stop saying our name in tagalog. Ang ganda ng pangalan ko tapos itatagalog mo lang?"

"Ayaw mo nun? May endearment tayo?"

"Just shut up." sabay labas sa elevator tsaka deretso sa dorm namin.

Binuksan agad ni Samantha ang pintuan kaya pumasok na kami sa loob. Una kong pinapasok yung mga lalake tsaka kami na ng mga babae.

"Hindi mo parin sinasagot ang tanong ko kanina? May ka holding hands kaba? Sino? Sa pagkaka-alam ko, wala ka pang boyfriend? Naglilihim kaba sakin?" nakatingin lang silang lahat sakin pagkatapos nilang ilagay sa lamesa ang mga grocery.

"Kailan pa ako nagsinungaling sayo Asul?"

"Hoy! Huwag mo naman akong tawaging Asul. Ikaw talaga Taglamig."

"Huwag mo rin akong tawaging Taglamig."

"Bawal, yan ang endearment natin." kaya napataas naman ang kilay ko.

"So allow me to call you Asul."

"Sigi na nga, tigas talaga ng ulo mo Taglamig..." napa-irap na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Ok, may gagawin pa ako Asul. Ingat kayo dyan, send my regards to the whole gang. Luv you."

"We're in a meeting room, except lang sa kapatid mo. Rinig din nilang lahat ang pinag-uusapan natin."

"Take care Queen." sabi nilang lahat.

"Ibababa ko na tong tawag, may pag-uusapan pa kami ng gang. Luv you too." tsaka binaba ang tawag.

Napangiti naman ako dahil hindi niya talaga nakalimutang kamustahin ako. Hindi ko nga inaakalang matitiis niya ako kahit ganito ang ugali ko.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now