CHAPTER 49:

42 2 0
                                    


WINTER'S POV:

"Alam mo Ate? Mag move-on ka na kaya, alam ko naman na ayaw kang makitang nahihirapan ni Kuya Jun...."


"Ginagawa ko naman, pero mapapanatag lang ang loob ko kung nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay nila...."


"Sasama ako, tayong dalawa ang nabuhay kaya isama mo na ako diyan." sabi niya sabay ngiti kaya tumawa naman ako.


"Ofcourse, tayong dalawa."


"Ate...."


"Hmmm?"


"Palagi kong pinupuntahan ang Armagonia Village pero hindi ko na siya makita ngayon. Isang pader ang nakikita ko...."


"Ako ang naglagay nun, ayoko kasing may ibang nakaka-alam nun. Baka kasi may gagamit nun." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Ate, may boyfriend ka na?"


"Bakit? Pwede na ba?"


"Ba-wal pa!" sigaw niya kaya tumawa naman ako ng malakas.


"Wala pa akong boyfriend, wala akong oras sa ganiyan Cal...." sabi ko kaya tumango naman siya. Maya-maya ay biglang tumunog yung cellphone ko kaya sinagot ko naman agad ito.


"Thank God! Sumagot kana! Asan ka ba?! Nag-aalala na kami dito! Hindi mo rin sinasagot ang tawag namin! Hoy Winter! Sumagot ka naman!"


"Puntahan niyo ang hotel ko at tanungin niyo kung saan ang room ko. Dalhin niyo na rin si Yukio ayaw kong maiwan siyang mag-isa diyan." sabi ko sabay baba sa tawag.


"Sino yun?"


"Kaibigan ko yun, hindi ko kasi nasabi na pupuntahan kita." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Here, gusto mo?" sabi ko sabay bigay ng chuckie sa kaniya.


"Oo naman...." pagkatapos naming kumain ay tabi kaming naka-upo sa upuan namin. Nanonood lang ako sa TV dito habang si Calvin naman ay naglalaro sa cellphone ko.


"Nga pala, wala ka bang naiwan dun?"


"Damit ko lang ang nandun."


"Di mo kukunin?"


"Hindi na sakto sakin yung mga damit na yun...."


"Yang mga pasa mo sa braso, masakit ba?"


"Medyo pero kaya ko naman...."


"Hayaan mo muna yan, aalis tayo mamaya. Bibilhan kita ng mga damit at ibang bagay na gusto mo."


"Talaga?"


"Oo naman...." sabi ko sabay gulo sa buhok niya.


"Ang problema, di ko alam kong saan kita iiwan. Sa Academy kasi ako natutulog dahil may dorm naman doon."


"Pwede bang dito ka na lang? Samahan mo ako?"


"Gusto ko sana pero bawal eh. Isa kasi akong Ranger, kailangan ako sa Academy. Alam mo na, mahirap rin ang buhay ng isang estudyante...."


"Oo nga pala, nag-aaral ka rin pala...."


"Gusto mo ba sa Mortal Realm? I'm sure na maaalagaan ka ni Mommy doon."


"Ayoko dun, gusto ko kasama kita...."


"But I can't leave you here, wala kang kasama dito. Hindi naman pwede na sa Academy ka titira dahil bawal naman."


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now