CHAPTER 12:

96 3 0
                                    


WINTER POV:

Pagkatapos ng program ay umalis na kami sa Gym, hinatid ko muna si Samantha at Alexis sa room nila. Nakahawak lang sila sa magkabilang braso ko habang naglalakad.


Nang makarating na ako sa room nila ay huminto ako sa pintuan. Nag-usap muna kami na sa pintuan ng cafeteria kami magkikita.


Nakatalikod sila sakin kaya kita ko ang mga titig ng mga magiging kaklase nila. Maya-maya ay may na sense akong paparating kaya agad akong tumingin sa likod nila.


And there, may batong paparating samin or more on kay Alexis. Agad kong hinila si Alexis at sinalo ang bato.


Hindi naman siya malaki pero sakto na rin na masasaktan ka nito pag tinapon to sayo. Isang magaspang na bato ang hawak ko ngayon.


Agad ko namang tinignan kong sino ang nag tapon nitong batong hawak ko ngayon. Isang babae ang nakita kong may hawak pang isang bato.


Ang mukha niyang nakangisi ay napalitan ng kaba at takot. Hinahagis-hagis ko ang bato sa kamay ko tsaka lumapit sa kaniya.


Tinignan ko yong babaeng namumutla na ngayon. Pamilyar kasi siya sakin.


"Teka, ikaw yung babaeng sinabihan akong mahina ah? Teresa ka diba?" kaya tumango naman siya.


"Anong nakain mo at hinagisan mo ng bato ang kaibigan ko?" hindi siya nakapagsalita dahil nanginginig na siya ngayon.


"Tinatanong kita, anong nakain mo at bakit mo hinagisan ng bato ang kaibigan ko?"


Ngayon iba na ang boses ko, the voice of threatening someone. Nakita ko naman ang bahagyang pag lunok niya at hindi na siya makatingin sa mata ko.


"Remember this, saktan mo pa ang isa sa kanilang dalawa. Malilintikan ka sakin, tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo." tsaka iniwan siya doon.


Lumapit naman ako sa dalawa at nagpaalam na. Tinignan ko muna yung babaeng naghagis ng bato kay Alexis. Ramdam ko naman na takot na siya pero wala akong pake, malapit matamaan si Alexis eh. Syempre aalma talaga ako.


I give Samantha and Alexis a smile first bago pumunta sa hagdanan tsaka umakyat na sa 3rd floor. Marami akong nakasalubong na estudyante pero nananatiling seryoso parin ang mukha ko.


Pagdating ko sa 3rd floor ay hinanap ko agad ang room ko. Nang makita ko na ay papasok na sana ako ng may dagger na lumipad papalapit sakin.


Umatras lang ako ng dalawang steps kaya hindi ako natamaan ng dagger. It was so easy to dodge dahil sanay naman ako sa nagliliparang armas.


Kinuha ko yong dagger na nakatusok sa pintuan. Kung hindi ako umiwas ay headshot dapat yun eh. Pinagmasdan ko muna ang dagger na ginamit sakin tsaka tinutukan ang babaeng naghagis rin nito sakin.


There, I saw Irene smiling, or more on a mocking smile. Naka-upo lang siya sa armrest ng upuan sa likod habang nakangiti parin.


"Sayang, headshot sana yun. Umiwas ka pa kasi, can you give it back to me? Nadulas kasi sa kamay ko." tumahimik naman ang room namin dahil sa ginawa niya.


Hawak ko parin yung dagger ngayon tsaka ngumisi rin sa kaniya. Wrong move bitch!


"Hoy, hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?" pero I just look at her boringly.


Magsasalita pa sana siya ng bigla kong hinagis pabalik sa kaniya yung dagger na hawak ko kanina. Sa bilis ng dagger ay ako lang ang nakaka-alam kong saan yun napunta.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon