CHAPTER 81:

39 1 0
                                    

THIRD PERSON POV:


“T*ng*na? Bakit sila naghubad ng Tshirt nila? And now, they’re shirtless?”




“Babae si Winter and I think they want to distract her in order to eliminate her….”




“Oo nga no? Mukhang effective naman….”




“Ganda ng katawan nila….”




“But it doesn’t mean na matatalo na nila si Winter. Matalino yan and believe me, malulusutan niya yan.”




Plan B is to distract Winter, alam nila na hindi komportable si Winter sa mga lalakeng naka-shirtless. Nagkatinginan naman yung apat tsaka sabay na napangiti ng nakakaloko ng makita nilang nanlaki ang mata nito at tumalikod agad.




“P*t*ng*na, I hate you!” sabay takip sa mata niya. Tumawa naman yung apat tsaka sabay-sabay na umatake.




Yun nga lang, kahit napapikit si Winter ay nakakalaban parin niya yung apat. She even kick Pearson’s face, Asher’s chest, Ethan’s knees and punch Kace face.




“Babae ba talaga tong kalaban natin?” tanong ni Pearson na nakahawak sa panga niya.




“Babae na may lakas lalake….” sabi ni Asher sabay dura ng dugo.




“T*ng*na, ang sakit ng mukha ko….” bulong ni Kace.




“Mas masakit yung tuhod ko….” sabi naman ni Ethan.




“Ngayon ako na naman….” sabi ni Winter na may takip na ng panyo ang mata niya. Nakatutok kay Asher ang katana niya na nagpabigla sa apat.




“Asher….”




“Pearson….”




“Ethan….”




“And Kace….” sabay turo sa kanila. Nabigla naman yung apat dahil tama lahat ng binanggit niya.




“Ganyan ba talaga ako kalakas para pagtulungan niyong apat?” tumawa naman yung gang sa kaniya.




“Oo nga naman….” sabi ni Luna.




“Kanina lang sila eh, pero wala pang maski isang sugat si Winter.” sabi ni Autumn sabay tawa.




“Kawawa ng mukha nung sinuntok niya.” sabi naman ni Carolina.




“Sugatan niyo naman ako, ano ba yan ang weak niyo.” tsaka tumawa. Nagkatinginan naman yung apat tsaka sabay-sabay na namang umatake.




“Wow….naiwasan niya agad yun?”




“Pambihira tong babaeng to….”




“No doubt she’s Aphrodite….”




“Reyna ng Arena….”




Nagulat na lang sila nung sinipa ni Pearson ang katana sa kamay ni Winter kaya nabitawan niya ito. Nagkatinginan naman yung gang tsaka sabay na nanlaki ang mata.




“Gago, no one dares to do that to her diba?” tanong ni Blue.




“Yeah, tsaka gera talaga yung mangyayari pag ginawa mo yan sa precious katana niya.” sabi naman ni Paul kaya tumango naman si Marlin at si Spring.




“NO ONE DARES TO DO THAT ON MY PRECIOUS BABY!” sigaw nito kaya napatingin naman sa kaniya yung mga natirang students na naglalaban parin.




“Patay na….” sabi ni Marlin kaya napaface-palm na lang sila.




“Saktan mo lang siya, huwag lang yung katana niya.” Sabi ni Sandra sabay iling.




“WHERE’S MY PRECIOUS KATANA?!” sigaw niya. Napatingin naman yung Ranger sa kaniya at dali-daling kinuha ni Claire ang katana tsaka binigay agad kay Winter.




“H-here!”




“WHO THE HELL TOUCH MY PRECIOUS BABY??!!!!” sigaw na naman niya kaya tumawa na lang yung gang.




“Ganyan pala magta-tantrums si Amara?” tanong ni Kace habang pinipigilan ang tawa niya.




“BWAHAHAHAHA!” tawa ni Ethan kaya natawa na lang rin yung tatlo.




“Si ako!” sabi ni Claire. Mukhang kinakabahan dahil sa sigaw ni Winter.




“Oh~~ Thanks Claire.” napahinga naman siya ng maluwag. Pero yung apat naman ay halos mamatay na kakatawa.




“How there you kick my katana huh?!” tanong ni Winter sabay slash ng katana niya kay Pearson, buti na lang naiwasan niya agad ito.




“Teka lang Amara!” sigaw ni Pearson habang iniiwasan yung katana ni Winter.




“Do you think it’s funny?!”




“Damn it! Tulungan niyo naman ako!” sabay pigil sa katana ni Winter gamit ang espada niya.




“Ikaw sumipa eh, manigas ka diyan.” Sabi ni Ethan sabay tawa na naman.




“Why are laughing huh?!” tanong ni Winter kay Ethan at sa kaniya na naman nakatutok yung katana nito.




“H-hoy! Teka lang!” habang pinipigilan rin ang katana ni Winter gamit ang samurai niya.




“Thank you….” sabi ni Pearson tsaka napahiga sa sahig. Tumawa naman si Asher at Kace tsaka lumayo na agad sa dalawa na nag-aaway.




Napa-nganga na lang ang mga magulang nila, dahil mukhang naglalaro lang sila doon. Tawa parin ng tawa ang dalawa pero si Pearson ay naghahabol ng hininga na nakahiga lang sa sahig nito. Yung Ranger naman ay nakakunot ang noo na nanonood sa kanila kasama ang ibang students na natitira pa ngayon.




“BWAHAHAHAHA! Kawawa Ethan!” sabi ni Kace kaya hinarap naman siya ni Winter.




“Sila na naman! Kanila lang sila tawa ng tawa oh!” habang naglabas ng nakakalokong ngiti.




“Mamamatay kayong apat kong hindi kayo nagsuot ng damit! MGA PUNYETA!” tumawa na rin yung mga nanonood.




“Oo na magdadamit na!” sigaw ni Kace na hinahabol ni Winter.




“Ako lang ata ang sinuswerte ngayon.” sabi ni Asher sabay sout ng damit niya.




Lahat ng students ay naubusan na ng lakas ngayon at nakahiga o nakaupo na sa sahig dito sa Arena, kasali na rin yung limang anak ng mga Principal. Nag-aalala sina Sandra kay Winter pero nung makita niyang nagpapahinga lang rin ito ay nakahinga naman siya ng maluwag. 10 minutes na lang kasi bago matapos ang laban na to.




Winter bend her neck upward habang hinahabol ang hininga niya, feeling niya kasi drain na drain siya. Naka-upo lang siya habang ginagawa yun, little did she know, nakatingin lang sa kaniya yung ibang lalake lalo na si Pearson, Asher and Kace. Winter has a beautiful neck na kinaiingitan ni Autumn sa kaniya, sa leeg lang ni Winter sila nakatingin kaya napataas naman ang kilay ni Kairon.




“Gago tong babae to….” tumawa naman sina Kurt na nasa tabi niya.




“HEY! STOP LOOKING AT HER!” tumawa na naman sila. Mas lumakas ang tawanan nila nung nilagyan ng ice barrier ni Kairon si Winter at kinapalan niya ito para hindi nila ito makita.




“GET ME OUT OF HERE! IT’S DARK!" inalis na lang ni Kairon ang barrier dahil alam naman niya na she’s scared of darkness, lalo na pag siya lang mag-isa.


*BUUUUUZZZZTTTT!*


“YES!” sigaw ng mga taga Mystic Academy.


Mystic Academy: 9
Filicy Academy: 6
Jade Academy: 7
Khisfire Academy: 7
Broiny Academy: 7


Lahat ng natira ay nilibot na sa sarili nilang platform. Lahat sila ay malinis na. Nakatayo na yung survivor ng Mystic Academy except ni Winter na nagdadalawang-isip kung tatayo ba siya o hindi.




“Hey, ok ka lang?” tanong ni Kairon sa kaniya.




“Tatayo ako….” tsaka dahan-dahang tumayo pero natumba siya.




“Let me carry you.”




“No, tatayo ako….” tsaka tumayo na naman. Nung nakatayo na siya ng maayos ay ang laki ng ngiti niya.




“I lost half of my power and buhay pa ako!” sigaw niya sabay tawa kaya binatukan naman siya ni Alexis.




“Gago kang babae ka! Kinabahan ako sayo!” sigaw ni Alexis kaya tumawa naman sila. Napatawa na rin ang magulang ni Winter. Himala lang kasi na di siya nahimatay.




“Masaya lang, akalain mo yun? Hindi ako namatay? I mean nahimatay?” napa-iling naman yung mga kasama niya.




“Winter, pahawak naman oh?” sabi ni Kurt sabay turo sa katana ni Winter.




“Nooo!” sabay yakap nito.




“Parang hawak lang eh!”




“Nooo!” sabay layo sa katana niya.




“Kami rin!” sabi nila kaya tumakbo na lang si Winter palayo sa kanila.




“Don’t touch my precious baby….” tsaka sinamaan sila ng tingin.




“Hawak lang eh!” sabi naman ni Alexis.




“No, no….”




“Sinong mas mahal mo, yung katana o kami?” sabi ni Samantha.




“Syempre….” sabay tingin sa kanila.




“Syempre yung katana ko.” napa-nganga naman sina Samantha.




“T*ng*na?” sabi ni Alexis.




“You ask for ‘Mas’ not ‘pinaka’, syempre pinakamahal ko kayo. Gets?” sabay tingin sa kanila. Nagkatinginan naman sina Samantha, Alexis, Claire at Irene tsaka sabay-sabayin na tumalon para yakapin si Winter. Ang ending tumba silang lima at si Winter ang kawawa.




“Aray ko!” tumawa naman yung apat sabay tayo tsaka tinulongan si Winter.




“Ang sakit ng likod ko, punyeta….” tsaka sinamaan sila ng tingin.




“So pahawak na!” sabi ni Samantha kaya napa-iling na lang si Winter sa kanila. Alam kasi niya na hindi siya talaga lulubayan nun. Hinagis naman niya ang katana niya kay Samantha kaya sinalo naman niya ito.




“Gago, mabigla rin naman pala to. Pano ka nakakagalaw ng parang wala lang?!” tsaka pinasa kay Alexis.




Pinapasa-pasa lang nila ito habang naglalakad papunta sa pwesto nila. Napahinto naman sila ng nakaharang si Audree sa dinadaanan nila, habang nakatingin kay Kairon. She’s planning to tell Kairon about Winter which is a total nonsense dahil alam na ni Kairon ang tungkol diyan.




“What do you want? You know that you can’t hurt someone just because you’re angry with me….” sabi ni Winter sabay lapit sa kaniya.




“I know. I just want to talk to Kairon privately.”




“Sasabihin ko lang ang tunay na pagkatao mo….” bulong niya kay Winter.




“Ok, hope you succeed on destroying me to him.” bulong rin ni Winter sa kaniya. Aalis na sana sila ng hilahin ni Kairon si Winter tsaka pina-una yung mga kasama niya.




“I said privately.”




“Wala ka ng pake kong gusto kong andito siya. Faster, kakain pa kami.” habang nakahawak parin sa kamay ni Winter.




“Alam mo ba kung sino talaga siya?”




“Hmm, why?”




“Her, being a gangster?”




“Ofcourse, why?” kita nito ang pagkabigla ni Audree.




“And you know na may relasyon sila ni Zeus?” nabigla naman si Winter.




“Wala siyang relasyon sa ibang tao, kahit hindi ko pa kilala si Zeus na yan ay alam kong wala silang relasyon.” tsaka humigpit naman ang hawak niya kay Winter at napansin naman yun ni Audree.




“Well, akala mo lang….” sabay ngiti ng nakakaloko.




“Alam kong gwapo siya pero hindi ko papatulan si Zeus.” sabi naman ni Winter sabay irap kay Audree.




“Ako lang ang nakakakilala sa gang ko so you better shut up, dahil hindi mo alam ang mga connection na meron kami ng gang. I can get rid of you in just a second ng hindi nalalaman ni Lord Bingo, go ahead. Try me.” nabigla naman si Audree sa sinabi niya.




“But still, hindi ko gagawin yun. Hindi ko ugali ang mandaya.” tsaka naglakad na palayo. Binitawan na kasi siya ni Kairon.




“Kahit siraan mo pa siya ng siraan, hindi ka magwawagi nun. She’s my Queen after all.” tsaka iniwan na tulala si Audree dun.




Mukhang chill lang si Kairon na umalis pero naba-bother siya sa sinabi ni Audree kanina. Hindi pa niya kilala si Zeus kaya hindi niya alam na may relasyon ba sila ni Winter o wala.




“Hey, sino ba yan si Zeus? Mas gwapo ba siya sakin?” tanong ni Kairon.




“Hmm.” napasimangot naman siya.




“Sino?”




“No need to know….”




“Bakit may relasyon ba talaga kayo?”




“Wala….”




“Can I meet him?”




“No….”




“So may relasyon talaga kayo, ayaw mo lang aminin dahil alam mong masasaktan ako?” tsaka nag-iwas ng tingin.




“Huh? Wala nga!”




“Then ipakilala mo ako!”




“It’s not safe….”




“Wala akong pake….”




“I told you it’s not safe!” sabay harap sa kaniya.




“Hangga’t hindi mo sinabi kong sino si Zeus, nakatatak sa isipan ko na may relasyon kayo.” tsaka tahimik na naglalakad.




Nagtatampo siya kay Winter dahil hindi niya sinabi kong sino si Zeus, takot siyang malaman kong may relasyon ba sila o wala. Takot siyang malaman na may relasyon talaga sila dahil sa lahat ng babae, si Winter lang talaga ang minahal niya. He’s afraid na balang araw, mawawala si Winter sa tabi niya at makikita na lang niya na may kasama na itong lalake at hindi siya yun.




“This is not the right time na makilala mo sila. Alamin mo na lang kaya, katulad nung curiosity mo nung pinagdududahan mo ako bilang Aphrodite.” sabi nito ng siya hindi nililingon.




“But beware, hindi mo alam kong gano ka delikado ang gang ko. Kinakatakutan kami at alam kong alam mo yun. We don’t kill but we torture them to the point na sila na ang magsasabi na patayin na lang sila.” tsaka iniwan si Kairon doon.




“I will do anything para malaman lang kung sino siya. Hindi ka magdadalawang-isip na sabihin sakin kong wala kayong tinatagong relasyon.”




“Just use my code name kung delikado na ang buhay mo….” nabigla naman si Kairon sa kaniya.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα