CHAPTER 108:

25 0 0
                                    

WINTER'S POV:

"Grandpa, may itatanong ako." napalingon naman siya sakin.


"Ano yun?"


"May nagsabi nito sakin eh, Makakamit mo ang matagal mong hinihiling, nasa malapit lang sila. Hindi mo alam yun pero nasa paligid mo lang sila. May ilang tao na handa kang damayan pero may isang tao na hinding-hindi aalis sa tabi mo. Sa paparating na trahedya ika'y magwawagi, mawawala ng isang oras pero babalik ang diwa nito."


"Who gave you that?"


"Yung Lola ng bata na niligtas ko. Dalawang beses ko na yang narinig pero hindi same na tao ang nagsabi niyan sakin." tumango naman siya.


"Leave it to us, kami na ang bahala niyan. Kailangan mong magpahinga, huwag mong I-stress ang sarili mo. Nakakasama pa naman yan sayo." tumango na lang ako.


"Hindi kaya mamamatay ako?" sabay naman silang napalingon sakin.


"May posibilidad pero malakas ka Amara tsaka dapat lang di ka mamamatay. Isipin mo ang kaibigan mo, kami, si Calvin." sabi ni Grandma kaya ngumiti naman ako.


"Oo nga pala, malakas pala ako." tumawa naman sila.


"Si Papa? Di ba niya alam na dadating ako ngayon?" tumawa naman si Mama.


"Dadating yun, may ginagawa pa ata sa Faculty." tumango naman ako.


"Kamusta na yung sugat mo?" tanong ni Grandma tsaka umupo sa tabi ko. Pinakita ko naman yun tsaka pati na rin yung sa leeg ko.


"Hindi pa ok...."


"Don't worry, maganda ka naman parin." tumawa naman ako.


"Maganda naman talaga ako, nasa lahi diba?" tumawa naman siya sabay pisil sa pisngi ko.


"Tsaka totoo bang na office si Alexis at Irene?" tumango naman sila.


"Tsk, kung andito lang ako basag na mukha nun." pinitik naman ni Grandpa ang noo ko.


"Grandpa naman...." tumawa naman siya. Napalingon naman kami sa pintuan at nakita ko naman si Papa na nanlaki ang mga mata.


"Ayoko na sayo." tumawa naman siya.


"Sorry, may ginagawa lang. Hindi ka naman nagsabi na dadating ka pala edi sana ako na ang susundo sayo." tsaka hinalikan ang noo ko.


"Ikaw na nga nagsabi na may ginagawa ka...." tumawa na naman siya.


"Nagtatampo na naman prinsesa ko." tsaka niyakap ako.


"Miss kita." tumawa na rin ako.


"So how is it?" tanong ni Grandma.


"Enjoy, ang cute ng mga bata doon. Unang pasok pa lang namin ay may nakasundo na agad ako. Tsaka ang saya nung naligo kami sa beach, nakakapagtaka lang kung pano nakaya ni Nanay Rona yung mga bata tapos siya lang magisa...."


"Tinanong ko rin siya pero sabi niya, mahirap daw pero kaya naman niya." sabi ni Mama kaya tumango na lang ako.


"Tsaka ang saya nilang kasama, may inaasar pa nga ako doon eh. Ano kasi, bagay kasi silang dalawa tsaka gusto ng lalake si babae pero hindi alam ni babae." tumawa naman sila.


Nagpatuloy lang ako sa pagkwekwento nung may kumatok doon sa pintuan. Maya-maya ay pumasok si Ms. Flores na may dalang mga papel.


"Oh? Andito ka na pala, ito lahat ang na-miss mo." tsaka binigay ang 15 papers sakin.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now